Episode 17

104 5 0
                                    

Episode 17:



CHARLOTTE



Nakakrus ang aking mga hita habang nakatingin lang sa babaeng naka-upo sa sofa. Napataas ang kilay ko ng humiga siya ro’n.


"What are you doing?" Taas kilay na tanong ko sa kanya.


"Magpapahinga."



"Alam kong magpapahinga ka na." Umismid naman siya’t tumalikod na sa akin. "We both know kung ano ang nangyari sa janitor’s room, right?" Hindi siya nagsalita o gumalaw man lang sa kinahihigaan niya.



A familiar kisses and her scent. Alam ko na siya ang babaeng ’yon sa janitor's room. Sigurado na ako. Hindi naman ako maaaring nagkamali. Isa pa nakita ko rin siya sa CCTV na lumabas ng janitor's room noong mismong araw na ’yon. Lahat naman ng hallway sa Pierce pinalagyan ni Dad ng CCTV for safety.



"Bakit? Ano ang rason mo? Bakit mo ginawa ang bagay na 'yon?" Naghintay ako ng ilang minuto sa sagot niya pero hindi man lang ito nagsalita kaya naman tumayo ako at nilapitan siya.




Nag-bend ako at ipinantay ang bibig sa tenga niya. Muli ko na namang naamoy ang perfume na ginagamit niya. Vanilla. Naramdaman mo naman ang mabigat niyang paghinga kaya ngumisi ako.



"Flair—"



"What the hell!?" Napaupo naman ako’t napahawak sa ilong ko. Tumama kasi ang siko niya ro’n.



Napatingin ako sa palad ko na may dugo. Kung sinuswerte ka nga naman. Hindi lang niya ako ninakawan ng halik at pinagsaraduhan ng pinto, siniko niya rin ako.



"Charlotte!" Hinawakan niya ako sa balikat. "I-i'm sorry. Hindi ko sinasadya. Ikaw kasi—" Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Oo na, kasalanan ko na." Tinaasan ko siya ng kilay. Aba, dapat lang. Kasalanan naman niya talaga. Kung hindi niya sana ako hinalikan hindi naman kami aabot sa ganito.



Inalalayan niya ako para makaupo sa sopa. Pagkatapos ay kumuha siya ng panyo sa bag niya at itiningala ako. Pagkaraan ng ilang minuto ay may kung ano na siyang inilalagay sa ilong ko. Cotton ata.


"Girls scout ka ba?" Sarkastikong saad ko.


"Stay still. Huwag ka ngang malikot." Aniya pa.



"You're not answering my question, Ms.Ross." She sighed. Ibinaba niya ang kamay niya at matiim akong tiningnan sa mga mata. "Para saan naman ang mga tingin na ’yan?" Her eyes rolls.



"Bakit mo ba tinatanong? Isa ikaw naman itong panay ang nakaw ng halik sa akin. Hindi mo man lang hiningi ang permiso ko kung papayag ba ako o —"


"Papayag ka ba kapag nagpaalam ako sa ’yo na hahalikan kita?" Tumikom naman ang bibig niya. "Ikaw naman itong nagsimula. Gusto ko lang na umamin ka sa kasalanan mo."



"Kasalanan? Ms. President, aksidente lang din naman talaga ang nangyari sa janitor's room." Tumaas ang kilay ko. "I'm hiding that time pero bigla kang pumasok. Nang patayin ko ang ilaw natalapid ako kaya nangyari ang bagay na ’yon."


"Bakit kailangan mong patayin ang ilaw?"


"Dahil makikita mo ako."


"Ako ba ang pinagtataguan mo?" Natahimik naman siya pero agad ding nakabawi.


"Hindi. Akala ko ikaw si Felix kaya naman pinatay ko ang ilaw."


"Bakit ka tumakbo imbis na humingi ng tawad sa akin?"


She Owns My Lips || (Completed) ||Where stories live. Discover now