Episode 30

81 3 0
                                    

Episode 30:

FLAIR




"Flair, ipinapatawag ka raw sa Dean's office."


Napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Hailey, nasa bungad siya nitong classroom ko. Palagi na lamang siyang nagagawi rito samantalang architecture naman ’yong course niya.


"Bakit daw?" Tumayo ako’t nilapitan siya.


"Malay ko. Sinabi lang no’ng lalaki kanina. Baka mae-expell ka na." Inirapan ko naman siya.


"Sinasabi mo?" She smiled at me.

"Maganda ako." Napailing na lang ako’t tinalikuran siya. "Saan ka pupunta?" Tumagilid ako’t tiningnan siya.

"Sa Dean." Tumawa naman siyang bigla. Tumikwas naman ang gilid ng labi ko. Sinasabi ko na nga ba. Nilapitan ko siya’t malakas na hinampas sa braso.


"Aray!" Palahaw niya na animo’y hinila ang kiffy.

"Baliw ka na talaga! Nakakainis." Bigla niya akong niyakap.

"Sorry na. Ito naman, binibiro lang kita. Punta tayo sa Culinary café, masarap mga foods. Nagc-crave kasi ako sa adobong manok nila." Inirap ko siya. "Dali na, libre na lang kita."


"Oo na. Bakit ba gustong gusto mo ro’n?" Napakamot naman siya sa kanyang noo.


"Kasasabi ko lang. Masarap ’yong foods doon." Isinakbit naman niya ang braso sa akin.

"Aminin mo na kasi na may pinupuntahan ka ro'n." Umismid siya.

"Wala nga. Wala naman ro’n ang tipo ko." Hininaaan niya sa huling parte pero narinig ko naman. Gusto niya pa rin ’yong taong may sabit.


"Ano? Paki ulit?"


"Sabi ko bilisan na na’tin. Nagugutom na ako." Natawa naman ako’t nagpahila na lang.



Isang taon na rin kasi ang nakakaraan simula noong maghiwalay kami ni Charlotte. Wala na akong balita sa kanya, hindi rin ako nagbubukas ng social media accounts at hindi nagbabasa ng article tungkol sa kanya pero may pag asa pa ako pero may kaunting pag asa pa akong natitira. Pag asa na muli kaming mag uusap.



"Gustong gusto rin nina Marky at Felix dito." Aniya nang makapasok kami sa café ng culinary. Nanuot na kaagad sa ilong ko ’yong mabangong aroma ng bulalo at iba't ibang uri ng ulam. Bigla tuloy tumunog ang t'yan ko.




"Nagutom ako."



"Halika. Doon tayo sa may aircon." Hinila niya ako sa bakanteng upuan malapit sa aircon. Umupo kami’t ibinaba ang bag. "What do you want? Ako na ang bahalang mag order doon."



"Bahala ka na." Tumayo naman na siya. "Hindi ba na’tin tatawagan ’yong iba?" Umiling siya.



"May mga klase pa ’yong mga ’yon." Tumango na lang ako. May iniiwasan na naman siguro ang babaeng ’to.  "Punta na ako a." Tumango ako.



"Dala ka isang pitsel na tubig." Pahabol ko pa. Nagthumbs up naman siya. Kinuha ko naman ’yong phone ko, may text doon.



Social media lang naman ang hindi ko ginagamit pero pagtungkol naman sa text messages nagre-reply ako, madalang nga lang kasi hindi naman ako nagloload. Napataas ang kilay ko noong makita ko ang text ni Shea sa akin. Itinatanong niya kung kasama ko raw ba si Hailey. Sakto naman na wala akong load kaya hindi ako makakareply sa kanya. May problema na naman siguro ang dalawang ’yon o magkaaway na naman. Palagi naman ’yon nag aaway kaya siguro malabong maging sila talaga.


She Owns My Lips || (Completed) ||Onde as histórias ganham vida. Descobre agora