Episode 20

108 5 0
                                    

Episode 20:



CHARLOTTE



"Omg!"



Mabilis na itinulak ako ni Flair palayo sa kanya. Tumingin ako kay Shea at sinimangutan ito. Kahit kailan talaga napaka abnormal niya. Tsk.



"What the hell was that?" Tanong ni Hailey.



"L-let me explain. A-ano n-nadulas lang si Charlotte." Hindi ko nakikita ang mukha ni Flair pero alam ko na namumula ’yon.



"Nadulas? Talaga? Nadulas tapos tumama ang labi ni Charlotte sa labi mo?" Sarkastikong tanong ni Shea.



"P-parang—"



"Hindi ako nadulas. Sinadya ko ’yon." Lahat sila tumingin sa akin.



"What the fvck?! You're gay, President?" Bulalas ni Hailey.


"No. I'm straight." Sinapak naman ako ni Shea. "Ouch!"



"Tara na! Baka tumira ka na naman ng rugby." Bago niya ako hinila palayo kina Flair at Hailey. "Una na kami!" She shouted.



Nang makabalik kami sa kwarto namin ay agad na lumayo sa akin si Shea. Tumikwas ang labi niya habang naka-krus ang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib.



"What the hell was that!?"Bakas sa boses niya ang inis. "You can't do that. Hindi mo p'wedeng basta na lang halikan si—"




"Bakit?"





"Anong bakit? Baliw ka ba, Charlotte? Akala mo ba gano’n lang kadaling humalik without valid reason. Ginugulo mo ang isip niya." She hissed. "Mali ang ginawa mo. Sinabi mo pang straight ka." Umupo naman ako.



"Totoo namang straight ako." Napahawak siya sa kanyang noo at halatang na-i-stress sa akin. "Isa pa ano namang mali ro’n? Pareho kaming babae—"



"May gusto ka ba sa kanya?" Tinitigan ko si Shea. Nang hindi ako magsalita umupo siya sa tabi ko. "Kailan pa ’yan?"




Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Hindi ko alam kung bakit. Sinubukan ko namang umiwas pero sa t’wing nakikita ko siyang may ibang kasama naiinis ako." She chuckled. "Bumibilis ang pintig ng puso ko—"



"In love ka nga." Tinapik niya ang balikat ko. "Pero mali ka pa rin. Hindi mo basta basta p’wedeng halikan ’yon without her permission." Umiwas ako ng tingin. "Hindi kita pinalaking gano’n." Tumikwas ang labi ko bago siya hinampas sa braso.



"Hindi naman kita nanay."


"At ayaw ko ring maging anak ka. Kahihiyan ’yan sa angkan na’tin kapag nagkataon."


"Tingin mo?" Tumango siya.




Kinabukasan, hanggang sa maabot ng makakaya ko umiiwas ako kay Flair kahit ang tumingin hindi ko ginagawa at ang hirap. Huling orientation na namin kaya mamayang hapon uuwi na kami.



Natigilan ako sa pagkain nang umupo sina Hailey sa harapan namin. Napansin ko na wala si Flair, nasaan na naman ba ang isang ’yon?



"Si Flair?" Napatingin ako kay Shea. Tumikhim naman si Hailey na natawang bigla.



"Kasama siya ni Khan Santillan sa Dean office." Natigilan naman ako. "Ang pagkakarinig ko ay gusto siyang makita ng Dean."



"Oww! Ipapakilala na pala."Inirapan ko si Shea.


She Owns My Lips || (Completed) ||Where stories live. Discover now