Episode 11

116 6 0
                                    

Episode 11:


FLAIR






"Fine, take a rest. Hindi ako aalis."




Napamulat ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Napahawak ako sa noo ko’t at nakapa ko ang isang basang bimpo na nakalagay do’n. Maya maya pa may sumalat sa noo ko kaya napatingin ako sa kanya. Nang magtama ang mga mata namin bigla na lang siyang nag-iwas ng tingin at inalis ang kamay sa noo ko kasama ang bimpo.


"Mataas ang lagnat mo kagabi sinunod ko lang ang sinabi ng nurse." Aniya. Tahimik na tumango naman ako, "Uuwi na rin ako hihintayin ko lang si Cruz na bumibili ng coffee sa labas."


"Salamat.." Tumalikod siya sa akin.


"Wala kang dapat ipagpasalamat." Malumanay niyang saad. "Kapag dumating na si Cruz, uuwi na rin ako." Tumango ako.


"Thank you sa pagbabantay sa akin." Tipid siyang ngumiti sa akin.



"Walang anuman."



Sakto naman na bumukas ang pintuan sa paglagay niya ng bag sa kanyang balikat. Nakita ko na may dalang kape si Hailey at iniabot ’yon kay Charlotte na kinuha naman niya kaagad.




"Salamat. Mauna na rin ako." Bahagya siyang tumagilid.


"Walang anuman, Prez." Tumango siya.


Tumingin si Charlotte sa akin." Magpagaling ka, Flair." Bago siya naglakad at lumabas sa pintuan ng kwarto ko.


Naglakad naman si Hailey palapit sa akin at inilapag ang kape sa gilid ng table ko bago umupo sa upuang nasa gilid ng kama ko.



"Inalagaan ka niyang mabuti." Aniya pa.


"Paano mo naman nasabi?"


"Kasi hawak niya ang kamay mo kanina noong madatnan ko kayo." Natigilan naman ako at tiningnan siya.


"Mali na naman ang iniisip mo."



"Alam ko, saka if ever naman na magkaroon ka ng crush sa kanya huli ka na kasi may Wilbert na siya." Napailing na lang ako.


"Wala naman akong gusto sa kanya."



"Pero iba ang sinasabi ng mga mata mo." Tiningnan ko si Hailey. "At sana nga mali itong iniisip ko, Flair."



After three days tanging si Peach lang ang bumibisita sa akin. Ang sabi naman ni Peach sa akin busy lang talaga si Charlotte dahil nga marami siyang naiwan na trabaho sa council. Ano pa nga bang aasahan ko sa kanya at bakit ako umaasa na babalik siya dito?



"What happened?" Napatingin siya sa akin habang nakakunot ang noo. "What happened...when I left?" Natigilan siya. Nakakangiti na si Peach pero palagi siyang natutulala. Hindi ko na lang din siguro maiwas ang mag-isip.



She sighed. "When you left? They're cancelled our engagement party. No gadgets, no friends. Nag-house study ako. After a year they fixed me again." Natulala ako sa kanya. "And they give me one year freedom after this. I'm getting married." Mapait siyang ngumiti sa akin. "But it's not your fault. Ginawa mo lang ’yong sa tingin na’tin ay tama." Hinawakan ko ang kamay niya. "It's alright. Natatanggap ko na ito talaga ’yong kapalaran ko. " Nang akmang ibubuka ko na ang mga labi ko ng tumawa siya at umiling. "Don't say sorry again. Sinabi ko naman sa iyo na napatawad na kita kaya patawarin mo na rin ang sarili mo."


"Kumusta ka na ngayon?"


"Sa ngayon? Hindi ko pa alam kung okay na ba talaga ako. Sariwa pa rin ang pagkawala ni mamita." Tiningnan niya ako. "Mag pagaling ka na, Key. Marami tayong pupuntahan kapag gumaling ka na." Tumango naman ako.



She Owns My Lips || (Completed) ||Where stories live. Discover now