Episode 3

307 8 0
                                    

Episode 3:


FLAIR



Nakasubo ang isa kong daliri sa aking bibig habang nakatingin sa vending machine na nasa aking harapan. Hindi ko alam kung alin ba 'yong pipiliin ko. Malapit na ang play pero hindi pa rin ako makapili.


"Hey." Napatingin naman ako sa kanya. Nakangiti siya sa akin habang nakahawak ang kamay sa batok.


"Wilbert, right?" Marahang tumango naman siya.


"A-ano’ng bibilhin mo?" Napakunot noo naman ako.


Ibinalik ko ang tingin sa vending machine. "Ano? Hindi ko nga alam, eh. He-he."


"Ah, Bakit hindi mo bilhin lahat ng gusto mo?"


"Hindi naman lahat ng gusto ko nabibili ko." Tiningnan ko siya. "May bibilhin ka?" Marahang tumango siya. "Hindi na ako bibili." Umalis ako sa kinatatayuan ko at tinalikuran na siya.


"You okay?" Napaatras naman akong bigla dahil sa paghawak niya sa balikat ko. "S-sorry. Nagulat ata kita." Ngumiti ako sa kanya dahilan para matigilan siya.



"M-ms. President, hindi ko alam na nagagawi ka sa building namin." Napahawak siya sa kanyang braso at bahagyang itinagilid ang mukha.


"Ah, ikaw talaga ang sadya ko." Napakurap naman ako.



"Ako? Bakit? Papayag ka na ba?"


Oo, simula no’ng lunes na nakausap ko siya hindi na ulit ako nakipag usap sa kanya. Ayaw niya e, pero pinipilit ko pa rin siya minsan. Baka kasi magbago ang isipan at pumayag na maging model ng art club members.



"Yeah." Napangiti naman ako.



"Hala, totoo?"Masayang wika ko.


"Pero..." natigilan ako, pumayag siya pero may pero.


"Bilang kapalit...gusto ko na tulungan mo kami para sa Festival." Napakurap akong muli. "Don't worry ako na ang bahala sa mga gagamitin mo." Tila ba parang ibang campus president ang kaharap ko ngayon.


Ngumiti ako kaya umaliwalas ang mukha niya, magaan pala naman ang gusto niyang kapalit. Tumango ako.


"Walang kaso sa akin ’yon, basta sure na magiging model ka namin sa friday?" Tumango siya kaya naman niyakap ko siya.


"Thank you talaga!"


"Ah...eh?" Napalayo naman ako.


"H-hala, pasensya ka na." Nahihiyang paghingi ko ng paumanhin.

"Okay lang."


"Oy! Bakla, bilisan mo na, magsisimula na ang play!" Dinig kong sigaw ni Franz.

"Shit!"Napamura ako. May play nga pala kami. "Sorry. Mauna na ako. Pupuntahan na lang kita sa room niyo mamaya." Tumakbo na ako palapit kay Franz na umastang para bang makisig na lalaki. Hinila na niya akong bigla.



Pagkapasok namin sa Theater room naandon na sina Ma'am. Romeo and Juliet ang ipi-play namin kaya naman kailangan ko talagang galingan. Nagbihis na ako at hinanap ng mata ko si Marky. He's gay pero siya ang napili dahil sa kagwapuhan. Si Franz gwapo rin naman kaya lang ayaw niya sa role bilang Romeo. Gusto niya ’yong Juliet.



"Looking for someone?" Natawa naman ako ng makita siya. Napakagwapo niya sa kanyang suot na costume. "Bawal ma-in love, ghorl. Hindi tayo talo." Aniya may nandidiring tono. Natawa ako bago siya hinampas.


She Owns My Lips || (Completed) ||Where stories live. Discover now