Episode 37

81 3 0
                                    

Episode 37:


FLAIR




"Ayaw mo ba nang pagkain?"




Napatingin ako kay Alicia bago umiling. Tipid akong ngumiti bago sumubo ng pagkain. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan, kung saan ako magsisimula. It's been a weeks simula nang mangyari ang bagay na ’yon sa aming dalawa ni Charlotte. Ayaw ko lang na masaktan si Alicia.



Pagkatapos naming magdinner ay inihatid na niya ako sa condo ko. Kababalik niya galing sa ibang bansa, sabi niya dumiretsu lang siya para makita ako. She also give me a gift since allergy nga ako sa bulaklak.



"I think we should stop seeing each other?" Natigilan siya. "Ayaw kitang saktan, Ali. Hindi na’tin p’wedeng ipagpatuloy ang pagkikita nating dalawa."



"Why? May nagawa ba akong masama? Dahil ba hindi ako nagpakita sa iyo—"



"No." Tiningnan ko siya. "Hindi ’yon ang rason ko. I want to save you. Ali, may iba akong mahal." Mahinang saad ko.



"Si Charlotte." Tumango ako. "Hindi ko talaga siya kayang palitan d’yan sa puso mo." She sighed. "Alam ko namang dadating sa ganito pero umasa pa rin ako na mamahalin mo rin ako." Napayuko naman ako.


"I'm sorry."


"Hindi mo kasalanan, wala kang kasalanan. Hindi mo naman kasalanan na mahal mo pa rin siya." Ngumiti siya’t hinawakan ang kamay ko. "Charlotte is lucky to have you." Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko bago ako niyakap. "I love you…"



Napalayo ako sa kanya dahil tumunog ang cellphone ko, nang kunin at makita ko ang caller ay agad na sinagot ko ang tawag. It's Hailey.



"Hello—"



"F-flair, s-si Sheana. S-si Sheana!"



"What happened!?"



"She's… unconscious."




Agad na pumunta kami ni Alicia sa hospital. Hindi rin kami nahirapang hanapin si Hailey dahil sinalubong kami ni Jazzfer. Nang makita ko sila sa labas ng emergency room ay agad na nilapitan ko si Hailey. May marka pa ng dugo sa suot niyang uniform, may benda rin ang kamay niya.



"Hailey..." Tumingin siya sa akin bago ako nilapitan at niyakap.


"S-si Shea." Nagsimula na siyang umiyak. "Nahuli ako. Flair, nahuli ako." Hinagod ko ang likuran niya at tiningnan ang iba. Tiningnan ko si Charlotte na bakas sa mukha niya ang pag-aalala gano’n din sa iba.



"Shhhh…" Sinapo ko ang mukha niya gamit ang dalawa kong palad. "Sheana is strong. Naiintindihan mo? She's strong." Pinahid ko ang luha niya bago hinawakan ang palad niyang nanginginig. "Calm down." Hindi ko pa rin alam ang nangyari kasi wala namang nagtangkang magsabi sa akin.



"What happened!?" Napatingin kami sa humahangos na lalaki, siya ang nakakatandang kapatid ni Sheana. Isa sa kambal, si Kuya Den.



"Charlotte!"



"Ate Dazel, Kuya Den." Lumapit na si Charlotte sa kanila.


"Ano ang nangyari?"


Nang mailipat si Shea sa isang private room, umalis si Kuya Den. May pupuntahan ata siya. Tiningnan ko si Hailey na hawak ang kamay ni Sheana. Si Ate Dazel naman kausap niya ’yong doctor. May benda ang ulo ni Sheana, may mga pasa rin siya at sugat sa gilid ng pisngi.

She Owns My Lips || (Completed) ||Where stories live. Discover now