Chapter 30

2.9K 136 83
                                    

A/n: Update yeyyy~ 😆

***

HECTOR

"Panginoon, may nakapagsabi po sa akin na nasa Light Magic Academy daw po ang batang nakatakdang tumapos sa inyo." magalang na sabi ng isa sa mga alagad ko. Dapat talaga namatay na ang batang yun. Kung di ba naman sa matatalinong magulang nun edi wala na sana akong poproblemahin ngayon!

"Magpadala kayo ng dalawang demonyo dun sa Akademya. Let us see what she can do. Patayin n'yo ang batang yun!" utos ko.

"Opo, masusunod." sabi nito bago umalis.

Sisiguraduhin kong mawawala sa landas ko ang batang yun. Ako lang dapat ang maghari sa buong Magic World!

"Ha-Ha HAHAHAHAHAH—cough cough—T-Tubig! "

Punyeta.

CASSIDY LEIGH ANDREI

2 days later..

Nandito ako sa classroom, nagmumokmok. Wala akong training ngayon kasi busy si Kuya Simeon sa mga papeles n'ya for completion. Graduating na e. Naalala ko sabi n'ya dati na he wants to be in the army, I mean, a General in the Dragon Kingdom's army. No wonder he's a good weapon welder. Dragon Kingdom specializes on weapon welding and Dragon taming though the Dragon taming is limited only for the Royal family, like Melvin, the Kingdom's Prince.

So, kuya Simeon wants that big responsibility eh?Ako nga wala pang naiisip na gagawin after grumaduate amp. And nga pala, wala silang College dito, diretso agad training for their chosen profession. No fees needed kasi nangangailangan naman din talaga ng more manpower for defense against possible perpetrators example; Demians. Simple lang sila dito, unlike sa Mortal world na madaming ek-ek e di mo naman magagamit sa trabaho tsk.

Buong umaga talaga akong bad mood dahil ayokong pumasok sa klase ngayon pero may sa kung anong demonyo ang sumapi sa mga Royalties ngayong araw at umagang-umaga binulabog nila ang masarap kong tulog.

Nakadagdag pa sa iritasyon ko yung panaka-nakang tingin sakin ni Alas these past few days. Parang may sakit sa mata, sarap dukutin para ipa-opera ponyeta.

"Cassidy.."

Speak of the devil, he'll hear it, and he shall come.

"Oh?" wala sa mood kong sabi.

"Cafeteria.." sabi nito kaya nilingon ko.

"Sunod nalang ako." sabi ko and waved. Tinignan n'ya pa 'ko saglit bago tumango saka umalis. Ano ba talagang problema ng mata nun?Tss. Tumayo na 'ko at nag-ayos ng gamit— kahit na wala naman talaga akong nilabas na ni-isang gamit kanina kasi nga di ako nakikinig. Papalabas na sana ako ng classroom nang may bumangga sakin! Di ako nakapaghanda kaya parang diretso sahig nga talaga yata ako gagoooo!

Lintek. Saan napunta yung reflexes ko?!

Napapikit ako ng madiin at tatanggapin na sana ang magiging kapalaran kong tumimbawang pero ilang minuto na ang lumipas, wala parin akong maramdaman na malamig at matigas na sahig. Para akong lumutang sa ere.

Daglian akong dumilat at bumungad sakin ang blangkong mukha ni Ray. Nakataas lang ang kilay nito sakin na para bang nagsasabi na, "Parang bangga lang tutumba kana?"

S'ya kaya ipatumba ko ano?

:>

"Can you stand up properly?" taas-kilay n'ya paring sabi. Tumaas din naman yung akin.

"Can you make me stand properly? Nangangalay na 'ko dito. How long will you hold me? Ikaw pa may ganang magreklamo." balik ko dito at umayos na nga kami ng tayo.

The Academy's Cold Hearted PrincessWhere stories live. Discover now