Chapter 27

3.6K 169 33
                                    

A/n: Hi~ 👀🤣

***

CASSIDY LEIGH ANDREI

Nang makapasok kami ni Jace sa portal, naramdaman ko agad ang pag-ilaw bigla ng kanang mata ko. At nung maramdam ko naman na lupa na ang tinatapakan ko, bigla nalang din itong bumalik sa dati. Di na umiilaw. Seriously? What the fuck is wrong with my eyes? Not that I'm complaining, it's good actually, at least di ako nakaramdaman ng pagkahilo ngayon unlike the first time na nakapasok ako sa portal na gawa ni Jace.

Speaking of the jerk, he whistled beside me. "Buti di ka nahilo." pang-aasar pa nito. I gave him an uninterested look tsaka nagpatuloy nalang sa pagsubo ng ice cream. My ice cream is more interesting to look at than his damned face.

Lakumpake kung gwapo s'ya sa iba basta sa paningin ko, mukha s'yang paa. Duh.

"How cold." sabi n'ya pa ulit pero naglakad na. Gago 'to, s'ya nagdala sakin dito tas iiwan n'ya 'ko? Mabilis akong naglakad pasunod at tumabi sa kanya habang kumakain parin ng ice cream sabay nagtitingin-tingin sa paligid. The school looks so gloomy. It was all black tas konting white.. The ground is so deserted, probably because class hours pa ngayon.. at teka nga muna, oras pa nga pala ng klase ngayon ah? Ba't nakakapagliwaliw ang hinayupak na 'to?

"Hoy." pagtawag ko sa kanya.

"What?" he lazily replied.

"Ba't wala ka sa klase mo? Ganyan ba benepisyo ng pagiging Elite, Dreiloc?" taas-kilay na lingon ko sa kanya. Nginisihan n'ya naman ako.

"You think di ako napag-utusan ha, babae?" he flicked my forehead after saying that. Nasapo ko naman ito. Shit.

"Pwede naman sigurong magsalita ng hindi namimitik diba?" sarkastiko kong angal dito habang hinahagod parin ang noo kong natripan n'ya. Ampula na siguro nito, masakit e, at maputi ako kaya malamang talaga, mamumula!
"If this will bruised up, buong katawan mo ang pupunuin ko ng pasa. Nakakaintindi ka naman siguro ng lenggwahe ng mga tao diba?" dagdag ko at inambahan n'ya naman ako pero di ako nagpatinag, tinadyakan ko binti n'ya na mabilis naman nitong nailagan. Tss. Swerte.

"Anong akala mo sakin? Hindi tao para di makaintindi?" bwesit n'yang sabi.

"Animal ka kase. Sensya." balewalang tugon ko.

"Aba't — e kung iwan kita dito?" banta n'ya na ikinalingon ko naman sa kanya.

"Tutut. Yun ay kung makalakad ka palayo bago kita maputulan ng paa." ngisi ko. His eyes twitched at the mention of the word, 'maputulan' kaya natawa ako. We resumed strolling to wherever place kami pupunta at nanatili lang s'yang tahimik, which is quite unusual because mas maingay pa s'ya sa aso ng kapit-bahay namin noon, na tumatahol sa kahit anong gumagalaw. "Hoy lalake." pagtawag ko ulit sa kanya.

"Ah?" naghihikab n'yang tugon.

"Ba't tatlong araw lang kitang nakita last week?" taka kong tanong.

"Why you asking?"

"Coz I'm curious? What else?" uso ba walang gamitan ng utak ngayon? Parang trending e, daming gumagaya.

Binundol ako nito sa balikat. "Asus, namiss mo lang mukha ko e. Yiee. Nagsawa kana siguro sa mukha nung trainer mo no?"  Amputa. Magkasingkapal sila ng mukha ni Kuya Simeon ahahay.

"Stop being narcissist, asshole. Di ka ganun kamahitsura para mamiss ko yang pagmumukha mo." irap ko. Ayaw sagutin ang tanong, edi wag.

-___-

"Tss. Pikon ka. Di lang kinaya ng katawan ko yung natamo kong sugat nung last mission." sabi n'ya habang nagkakamot ng ulo. Binalatan n'ya ang lollipop na dala — na di ko alam kung saan nanggaling — sabay subo dito.

The Academy's Cold Hearted PrincessHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin