Chapter 01

9K 323 62
                                    

Dedicated to: _shanley_
Bilang s'ya nauuna parati HAHAHA.
Hi. ❤️

***

..Start..

CASSIDY LEIGH ANDREI

"CAS-SI-DDDDYYYYYYYYYYYY!!!"

*BOOGSH!*

"ARAY KO — FUCKING HELL?" ungot ko sa gulat nang marinig ko ang sigaw na yun sa labas ng kwarto ko. Sapo-sapo ang sariling noo akong lumapit sa pinto at binuksan yun!

"He he he.. Hi..?" bati nung nasa labas at asta pa itong papasok sa kwarto nang tignan ko s'ya ng blangko at sinarado sa mismong mukha n'ya yung pinto. Bwesit!

"Arayyyyy! Aray! Aray! Arayyyy!!! Ang sakit ng ilong koo! Waahhh! Lanceeeee!!" ngumangawa na sabi nung nasa labas.

Fwah.. isip bata talaga tss.

Di ko na pinansin pa ang pagngangangawa ni kuya Jhules dun sa labas at dumeretso na sa CR para maligo, pero kahit na nasa loob na 'ko nitong banyo e rinig ko parin s'ya at yung boses nung bagong dating.

"Oh? Anyare sayo?"

"Waahh! Nyung inyong ngo Nyance! Huhuhu!" (Yung ilong ko, Lance!)

"Ano? Di kita maintindihan! Alisin mo nga yang kamay mo sa ilong at bibig mo!"

"Nyige nya nga! Mamangina ngo hayo.." (Sige na nga! Papakita ko sayo.)

Saglit na katahimikan.

"WHAHAHAHAHAHAHHAHA! ANYARE SA ILONG MO?! HAHAHA! TANGINA!"

"WAG MO NGA 'KONG PAGTAWANAN! MASAKIT KAYA!"

"OH E ANO NGANG NANGYARI JAN!? HAHAHAHAHA! NANGU-NGO KA PA KANINA ILONG MO LANG PALA YUNG PROBLEMA! HAHAHAH!"

"SINIRADUHAN AKO NI CASSIDY NG PINTO! NAGKATAON NAMANG PAPASOK NAKO SA KWARTO N'YA NANG BIGLA N'YA YUNG SINIRADO! NAGKAHALIKAN PA KAMI NUNG PINTO N'YA KASO, AKO PA YUNG MAS KAWAWA! WAAHHH! YUNG FIRST KISS KO —ARAY! ARAY!"

"ULOL MO HAHAHAHA BUTI NGA SAYO! WHAHAHAHA!"

"Ansama mo.."

Sabihin n'yo nga, nag-uusap pa ba yun o nagsisigawan na? Ah ewan. Mabilis kong tinapos ang paliligo at nagbihis saka bumaba sa may Dining area.

Nakita ko sina kuya Lance at Lola na nagpipigil ng tawa habang nakatingin kay kuya Jhules. Yung mga katulong naman mukhang nakapoker face lang pero halata mo sa mga ilong nilang lumalaki ang butas kakapigil ng tawa.

Tss, mas mabuting ilabas kesa kimkimin ng walang mamemerwisyong masamang hangin.

"Morning.." paunang bati ko sa kanila.

"Oh apo! Good morning din. Halika na at kakain na tayo. Nandito ulit 'tong mga kuya mo para sabay na kayo papunta sa school." sabi ni lola at tinanguan ko naman s'ya. Binati ko rin si kuya Lance bago bumaling kay kuya Jhules na nakanguso.

Tanginang mukha yan. Saang dump site ba galing yan?

"Yo.. kaganda ng ilong natin ah? Malayo pa ang pasko, anong ginagawa mo dito, Rudolph? Parang naligaw ka ata. Malayo pa ang North Pole dito, nasa Pilipinas ka pa." sabi kong nakangisi na mas ikinahaba pa ng nguso n'ya.

"Ansama mo talaga Cassidy.." tugon nito na nakanguso parin. Tumawa naman na parang walang bukas sina lola at kuya Lance habang wala naman akong pake sa iba kaya di ko alam ginagawa nila.

The Academy's Cold Hearted PrincessWhere stories live. Discover now