Chapter 18

3.2K 170 27
                                    

Dedicated to: andrea_234

***

CASSIDY LEIGH ANDREI

Nagising ako dahil sa isang nakakabinging tunog. Sana di sina Kuya Lance 'to dahil kung oo, gugulong na talaga ngayon yung mga ulo nila sa sahig.

At wag n'yo iisiping nagbibiro ako.

-_______-

Napabalikwas ako ng bangon. Nakita ko sina kuya Lance na nasa lapag at natutulog. Ano ba 'to? Nasan kami? Napatingin ako sa unahan, nakita ko si Jace tulog at yung paa ko na nasa hita n'ya.

Oi, di ako nagpatong n'yan.

Nilingon ko naman yung nasa likod ko at nakita ko si Alas na tulog din. So ibig sabihin yung hita n'ya yung inunan ko? Napataas ang kilay ko. Umayos ako ng upo at sinandal ko yung ulo ko sa couch. Naramdaman ko naman ang galaw ng katabi ko, yung nasa kanan. Si Alas. Si Jace naman yung nasa kaliwa ko.

Napansin ata ni Alas na gumaan ang mga hita n'ya kaya umayos ito ng upo at lumingon sa direksyon ko. Nagpang-abot mga mata namin. We both have the same bored look on our face at pareho ding mukha pang inaantok.

"You're awake.." panimula n'ya.

"No, you're just delusional." pambabara ko sa kanya. "Stating the obvious?" dagdag ko pa then he scoffed.

"Aren't you gonna thank me?" sabi n'ya pa.

"Why and what for?" kunot-noo kong tanong.

Binigyan n'ya 'ko ng blangkong tingin. "Hindi mo ba itatanong kung ba't ka napunta dito?"

"Umm. Mission?" tumatabinging-ulo kong sagot. Wasn't it really the reason why I am here? He rolled his eyes.

"Binuhat kita. Okay? Kuha mo na?" sabi n'ya. Napa-ayos naman ako ng upo, back straight.

"Oh." tanging nasabi ko.

"..." he had this complicated look on his face. Tss. "You're really not gonna thank me?"

"Thanks."

"..." pinadaan n'ya ang dila sa ibabang labi n'ya at umayos ng harap sakin. "Really? Labas sa ilong?"

"Pasalamat ka ngang pinasalamatan kita e." irap ko.

"Ikaw dapat ang sincere magasalamat, binuhat kita e. Dahil kung hindi ako nagmagandang loob, nandun ka parin ngayon sa karwahe. And we're sitting next to each other, there's nothing I could do." sabi n'yang tunog napilitan lang din kuno. Sarap tapyasan ng ngipin nito oh bwesit.

"If I'm not mistaken, you're not the only one I'm sitting with."

"Pake mo?"

"Heh." I scoffed. May tinatagong kapal din pala ang lalakeng 'to.

Di ko na ito pinansin at nilibot nalang ang tingin sa buong lugar na kinalalagyan namin. Napadako ang mata ko sa malaking glass window. Mula sa loob, naririnig ko ang ingay na nililikha na katunog nung mga tren. Nakikita ko rin mula dito sa sofang kinauupuan ko ang nadadaan naming wheat fields. Kung di ako nagkakamali, may nakita pa 'kong mga taong kumakaway samin, though di naman talaga nila nakikita kaming mga nasa loob.

Naramdaman ko naman ang paggalaw nung nasa kaliwa ko kaya nilingon ko ito saglit at balik ulit sa harap.

"So you're just going to ignore me?" pag-iingay ulit nitong isang katabi ko. Kung alam ko lang na ganito pala talaga katabil ang dila nito, sana pala nung nagising s'ya e pumikit nalang agad ako. Fucking annoying.

The Academy's Cold Hearted PrincessWhere stories live. Discover now