Chapter 42

1.4K 59 30
                                    

JACE WARREN

Nakatingin ako sa dalawang taong naglalakad patungo sa aming mga kararating lang dito sa kaharian. They greeted all the guests present, konting formalities, and talks related to the development of the magic world, at pati narin sa mga trabaho nila...

I tried my hardest not to twitch any of my eyes nang dumako ang tingin ng mga ito sa akin at sa babaeng katabi ko.

The King smirked at me habang ang Reyna naman ay ngumiti lang sakin, showing a thumbs up gesture on her side na ako lang ang nakakita bilang nasa may gilid kami... ewan ko kung nakita ba yun ni Cassidy pero i-aassume kong 'oo' ang sagot since nararamdaman ko sa mukha ko ang mga titig n'ya.

I glared at the other two, hard enough to the point my face distorted.

Pinapahamak talaga ako nitong dalawang 'to e... Sige.


CASSIDY LEIGH ANDREI

Matapos ang ilang pagbati at pag-uusap nila, agad kaming ginaya ng hari at reyna sa lugar na pagpapractisan daw at ang venue kung saan gaganapin ang naturang ball na nakaschedule na bukas ng gabi.

Kanina, I noticed how both the King and Queen looked at our side... what was even more mortifying was when the Queen showed a thumbs up saka inayos ang sarili na parang wala lang nangyare.

???

I even looked at Jace that time, nagbabakasakaling may maisagot ito sakin pero nung makita ko ang mukha n'ya, I gave up. He looked like a constipated dog with his expression so I assumed wala din s'yang alam kung bakit.

Ano pa bang aasahan ko sa ulupong na 'to.

-___-

The King and Queen toured us around for a bit at ngayon, habang naglalakad, di ko maiwasang tumingin-tingin sa paligid ng binabagtas naming daan. Aside from the fact na minememorize ko ito— at di ko sasabihin na kapag gusto ko nang lumayas sa ball di na 'ko malilito kung saan lulusot— the halls are literally glittering and sparkling everywhere.

Lalo na pag natatamaan ng liwanag galing sa araw.

Umabot na 'ko sa point na gusto kong maglabas ng shades dahil— juskolord, napakasakit sa mata.

I've been walking with Jace and the others for a quite while at pansin ko din ang pananahimik n'ya. I know it wasn't because sa mga taong kasama namin ngayon, adding also the fact na walang ibang mga estudyante kundi kaming dalawa lang. Pero kung iisiping mabuti— ito? Itong hinayupak na 'to? Mananahimik?

Mamuti na lahat ng mata ng mga taong kakilala n'ya, hinding-hindi ito mananahimik.

Hindi nga ako inaasar so I look up and stared at his face, tilting my head in wonder what was going on inside his head na kaya ko namang basahin but where's the fun in directly knowing everything? We need to explore for the thrill hehe. He's that mentally challenged.

Joke.

Mas nakakatuwang mameste sa taong peste— este, madaling mapeste.

Nang maramdaman nito ang mga titig ko sa kanya, he look at me sideways, balik sa harap, at saka ulit bumalik sakin. He then whispered, "May ano ba sa mukha ko at ganyan ka nalang makatitig? Anong problema mo?"

"Sensya, ngayon lang ako nakakita ng dumi na marunong maglakad," I said blandly and saw his right eye twitch bago ako kinurot. "Yawa."

"Naghahanap ka ata ng away e, mamaya ka sakin—"

"Hello~" biglang bati ng kung sino.

Jace and I both look to our right at nakita namin ang nakangiting mukha nung Reyna na kanina lang busy sa pakikipag-usap dun sa harapan.

The Academy's Cold Hearted PrincessWhere stories live. Discover now