Chapter 41

1.6K 57 27
                                    

A/N: Oh ito pa HAHAHAHAHAHAHA 😭

***

DAYNE DARWIN

"Ano na naman bang problema ng isang yun?" tanong ko kay Dred nung mahimasmasan ito sa panggigigil n'ya kanina. Apparently, he was one of the servants na atasang maglinis ng kalat ni Hector dun sa dining nang walang pasabi itong nagwala kanina.

Folding the sleeves of his servant uniform, Dred answered: "Ang rinig ko sa mga sinasabi n'ya kanina is kung bakit wala pang bumabalik sa mga alagad n'yang ipinadala n'ya sa akademya nung mga nakaraan. It's been days daw at hanggang ngayon wala pa rin s'yang balita."

I bit my bottom lip after hearing what he said. Sabihin ko kaya kay Dred kung anong nangyari that night?

"Tsk, baka natalo ng mga taga academy yung pinadala n'ya. Ha. Karma." Dred sneered and looked at me from head to toe. He must be wondering kung bakit ang tahimik ko. "What's with you?" he asked. Naubo naman ako.

Lakas talaga ng pang-amoy nito amp.

"Ah e kase hehehe..." palusot ko but he suddenly squinted his eyes and stood up from the bed he's sitting down.

"Ano yun?" Paglapit nito sakin. "May di ka sinasabi sakin no?"

"Wa-Wala ah. Ano ka jan..." deny ko.

"Base on your guilty look— meron e. Don't force yourself, you know you can't lie to me dahil hindi ka naman marunong." He huffed. "Kaya madali lang nadidiskubre ng tatay-tatayan mo yung mga tinatago mo e. Wag ka nalang kayang dumilat?" he added hopelessly.

Di ko alam kung ikakaproud ko yung sinabihan akong di ako marunong magsinungaling o magagalit dahil kung meron mang sekreto, di ko yun matatago...

Napakamot ako sa pisngi ko, contemplating if I'll really tell him about what happened.

Dred has been my companion in this manor all these years. The burden of being alone lessen after we knew each other. He's one of those kidnapped students many years ago sa dalawang academy.

Some of them were made into slaves, servants like him, mga ginawang sunod-sunuran sa kanila... yung iba naman di na nakita.

My hatred towards Hector surged thinking about his condemning actions. Gusto kong kumawala sa kanya at sa pesteng lugar na 'to.

I look at Dred and contemplated for a while before sighing, surrendering sa gusto ng bibig ko.

Matabil po talaga ako sorry po huhuhu.

"You know..." panimula ko. "Do you remember that one time na umalis ako tas ilang oras akong nagkulong dito sa kwarto?"

"Kelan ka ba naman hindi nagkulong sa kwartong 'to tanginaka."

Napakamot ako sa ulo. "Makinig ka kase."

"Nagtanong ka kaya. Gago 'to..."

Argh.

Pag silang dalawa ni Andrei— este Cassidy nasa isang lugar, sino kaya mananalo sa pagkapilosopo no?

"Basta nung araw na yun! May dinala akong mortal dito... tas nalaman ni Hector nung pinatawag n'ya 'ko sa dining—"

"HA? MAY DINALA KANG MORTAL DITO?" Nanlalaking-mata na singhal sakin ni Dred. "Maryosep— okay ka lang? Nasaan utak mo?!"

"E tinulungan ko lang naman kase yun. Tsaka di s'ya nagstay dito ng matagal... nakitulog lang ganun..." Nakanguso kong sabi.

"Nak— NAKITULOG? Anong akala n'ya dito, LODGE? Bahay ng kaibigan? Pajama party? Overnight?"

Napahilot ako sa sentido sa lakas ng boses n'ya.

The Academy's Cold Hearted PrincessWhere stories live. Discover now