PROLOGUE

9.9K 375 53
                                    

Dedicated to: himesakuraichigo


***

Isang batang nabiyayaan ng isang perpektong pamilya. A cheerful and  jolly little girl na mapagmahal sa kanyang mama at papa.

Pero,

Paano kung mawala sa kanya ang lahat ng yun? Will she still be that kind of a child? Or..

"Hmm? Pa'no ako napunta dito sa ilalim ng kama?" tanong ng batang babae sa kanyang sarili. Dali-dali s'yang umalis nun sa lugar kung nasaan s'ya at bumaba sa kanilang sala.

Maingay, makalat, maraming pulis, madugo. Yan ang una n'yang nadatnan nang makababa s'ya sa unang palabag ng kanilang bahay. Palinga-linga s'ya sa paligid, waring nagtataka kung anong nangyayari. 

"Sino po kayo?" tanong nito sa isang matandang babae. Ngayon n'ya lang ito nakita buong buhay n'ya.

"Cassidy apo, ako si Lola Therese mo.. i-uuwi kita sa bahay ah?" malambing na sabi nung matanda.

"No po.. di ko po kayo kilala at dito po ang bahay namin.." sabi n'ya sa matanda pero nginitian lang s'ya ng pilit nito.

"Cassidy, we have to go somewhere else.. hindi ka pwedeng mag-isang tumira dito, okay? "

"I'm not alone naman po.. I'm with my parents.. sila po ba ang nagpapasok sa inyo dito?" inosenteng tanong nito na ikina-iling ng matanda.

"Cassidy, they're gone, your mama and papa.."

"What do you mean po?"

"Nilooban kayo ng mga magnanakaw hija habang natutulog ka. At.. napatay nila sina Papa Erwin and Mama Synthia mo.." maayos na paliwanag ng matanda pero ni isa man sa mga salitang binitiwan nito ang di binigyan ng reaksyon ng bata. Wala itong kibo hanggang sa tumambad sa kanya ang kanyang mga magulang na natatakpan ng isang puting tela at nakahiga sa isang stretcher na handa ng ilabas sa bahay.

Di na n'ya kailangang itanong pa ang nangyari basta't ang naintindihan n'ya lang ay nagising s'ya sa isang napakahimbing na tulog at nalamang, wala na s'yang mga magulang..

Lumipas ang mga araw matapos ang libing ng kanyang itinuring na pamilya, inilipat na s'ya ng bahay ng nagpakilalang lola n'ya. Di maka-usap ng maayos at blangko lang ang titig nito sa lahat ng bagay, di mawari kung anong iniisip.

"Cassidy, hija, this is my house and will also be yours.."  saglit tiningala ng bata ang matanda saka dahang-dahang tumingin sa lilipatang bahay mas tamang sabihin, mansyon.

"Quite grand.."

"Is it? Do you like it?"

"Ewan ko po. Di ko alam." tanging sagot nito na tumingin lang sa pinto ng mansyon at di na nag-abala pang magpa-akay sa kanyang lola at s'ya na ang kusang naglakad para buksan ang naglalakihang pintuang yun sa harap n'ya at pumasok na.

Gawa ng koneksyon ng kanyang lola sa mga taong nakatira malapit sa mansyon n'ya, nakatagpo s'ya ng mga bagong kakilala sa mga sumunod na araw ng pamamalagi n'ya. Ganun pa man, di ito naging rason para maibalik ang dati nitong personalidad.

She's living like a walking lifeless doll and a heart made of an ice.

Buhay ma'y parang walang kabuhay-buhay ang kanyang mga mata,

Nakangiti ma'y parang di abot sa mata,

Nakikinig ma'y parang wala s'yang naririnig maski isa,

May kasama ma'y pakiramdam n'ya ay s'ya lang at ang sarili n'ya.

Tumingin ka lang sa mga mata n'ya, parang malulunod ka. Salita n'ya palang maghanda ka na.

Be her enemy and your life will be sorry.

She's the girl you don't want to mess up with.

She's Cassidy Leigh Andrei Lancaster and she's your,

Academy's Cold Hearted Princess.

***
HOPE YOU'LL ENJOY THE FIRST CHAPTER!

-@KaiZero04 here-

··REVISED··

The Academy's Cold Hearted PrincessWhere stories live. Discover now