Chapter 06

4.2K 200 11
                                    

CASSIDY LEIGH ANDREI

Nagising ako ng maaga ngayon dahil nga sa sinabi ni Lola na lilipat na ako ng school. Nagsimula na rin akong mag-ayos ng gamit kanina pa kaya konti nalang at matatapos na 'ko.

Mabuti nga rin at nakisama yung mata ko ngayon. Isa itong malaking HIMALA.

Magpapaparty na ba 'ko?

-______-

Napabuntong hininga nalang ako. Tss.. bakit ba kasi kailangan lumipat pa 'ko ng eskwelahan kung pwedeng dito nalang ako?

Mas gusto ko pang maiwan mag-isa dito dahil ako ang pipili ng school na papasukan ko. And to tell you frankly, may napili na 'kong isang University na papasukan for Grade 11 Senior High ko at balak ko sanang dun nalang lumipat ngayong taon.

Malayo sa bwesit na classroom namin na color PINK. Bullshit.

Malapit na akong matapos sa pag-iimpake at inisa-isa ko na itong chinecheck para masigurong walang maiiwan.

"Magdadala na rin siguro ako ng pera para sigurado. Mahirap na. Lol.." bulong ko pa.

Matapos kung maghanda ay binaba ko na ang bagahe ko. Tinulungan ako ni Mang Berto kaya di na 'ko nahirapan pa. Dineretso n'ya na rin ito sa kotse.

Narinig ko ang pagtunog ng sikmura ko kaya napasimangot ako. Gutom na 'ko.

Pumunta na agad ako sa kusina at dumiretso sa may fridge at naghanap ako ng pwedeng maihanda para makain. Nakakuha ako ng kesong parisukat, mayonaise at lettuce sa fridge. Pagkatapos naman dito e sa kabinet sa may ibabaw nito naman ako nanghalungkat at kung sinuswerte ka nga naman, may sliced bread akong nakapa.

Inihanda ko na ang mga kakailangin ko para makagawa ng sandwich. Obvious naman siguro hindi ba?

Nagsimula na akong gumawa at napagpasyahan kong gawin itong lima. Limang piraso.

Kinagat ko yung isang di kalakihang tinapay at nilinis ko na ang kalat at binalik yung natirang tinapay, lettuce at mayo sa ref.

Kinagatan ko na agad yung sandwich at naghanap muli sa ref. ng gatas at di na nag-abala pang gumamit ng baso. Nilaklak ko yun ng deretso.

Matapos kong kumain e bumalik na agad ako sa kwarto at naligo, nagsuot ako ng plain white t-shirt na pinatungan ko ng black with gray colored hooded jacket tas nagsuot din ako ng gray fitted jeans. I wore my white converse shoes na kakabili palang at di na nag-abalang mag-medyas pa.

Katamad.

Matapos nun, humarap ako sa salamin. I tied into a messy bun. Wala naman sigurong papansin pa samin dun para maghanda at maging pormal. Lumabas na agad ako sa kwarto at nakasalubong ko naman si Lola habang pababa. Mukha s'yang nagulat at alam ko na ang dahilan.

"Oh, apo? Akala ko kailangan pa kitang gisingin e.. Magpapaparty na ba tayo n'yan?" mapang-asar n'yang sabi. Poker face lang binigay ko sa kanya.

Ayokong mamatay ng maaga dahil sa highblood.

"Tss.." sagot ko na ikinatawa n'ya.

Nung nakakatawa dun?

"Wala." biglang sabi n'ya at ngumiti ng pagkalapad-lapad. Yung tipong mapupunit sa laki.

Hindi halatang masaya s'ya no?

And before Lola could answer fully again, pinaningkitan ko s'ya ng mata. "Don't read what's on my mind.. it's creepy. Para kayong nakikipag-usap sa sarili n'yo." mahinahon na may diin kong sabi.

"Oo na, sige na, sige na. Bumaba na tayo dahil naghihintay na sila." she gestured her hand na parang pinapa-alis ako, pinatalikod at marahang tinulak.

The Academy's Cold Hearted PrincessWhere stories live. Discover now