Chapter 15

3.7K 173 18
                                    

CASSIDY LEIGH ANDREI

Naglalakad kami ngayon ni Ace patungong clinic. Tahimik lang kami nang tinignan ko ang buhat-buhat n'yang si Jace. "Do you like him? Kanina ka pa nakatitig e." he said out of the blue gamit ang malamig na boses.

Nagmake face ako sa kanya na ikinatawa n'ya.  Sa tingin n'ya ba sasaktan ko ang taong gusto ko? Gaguhan.

"Wala akong gusto sa asungot na yan. Kayo nalang magsama dahil mas bagay kayo. May saltik saka sabog."

Tumawa na naman s'ya. Ano bang nakakatawa dun? Himala. Tumawa ang isang Ace. Sa iilang araw palang naming magkasama, di ko pa s'ya nakikitang tumawa na naniningkit talaga ang mga mata n'ya. Pero yung tumatawa s'ya ng walang dahilan? Aba e, ibang usapan na yan.

Baliw ang loko.

Nakarating na kami sa clinic at inihiga (binalibag) na si Jace sa kama dun at iniwan na. Bahala na yung Nurse dun, mas mabuting wag na n'yang buhayin. Biro lang. Naglalakad na kami ngayon sa hallway papunta sa Northern Light section.

"Okay lang naman pero hayaan mo akong tawagin kitang Alas." nakangising sabi ko. Tinatanong n'ya kasi kung pwede n'ya daw ba 'kong tawagin gamit ang nickname ko nung bata pa 'ko.

At ang pagtawag sa kanya ng ALAS ang kapalit.

"Tss. Oo nalang." sabi n'ya tapos binilisan ang lakad nasa unahan na s'ya ngayon.

Pft.

"Alas Ulap." sabi ko kaya napatigil naman s'ya sa paglalakad. Tumigil din ako nung unti-unti s'yang humarap sakin.

"Stop it." sabi n'ya in a cold tone.

Naasar ata. Pft.

"Itigil ang alin? Yung Alas Ulap?" pa-inosente ko pang tanong. Poker face lang s'yang nakatingin sakin.

"Alas lang dapat.. walang Ulap."

"Bakit? Maganda naman yung Alas Ulap ah?"

"Sid, isa."

"E ano bang masama sa Alas Ulap?"

"Dalawa."

"Ano ka ba, okay nga yung Alas Ulap e."

"Tatlo."

"Ano ba kasi ang problema sa Alas Ul —" nahinto ako sa sasabihin ko sana at napa-atras.

"Bilangin mo kung ilang beses kitang pinagbawalan." sabi n'yang nakangisi.

Yawa. Clown!

Oo nga't di ako natatakot.. pero ibang usapan na yung clown! Tumakbo na ako para sigurado. Nilingon ko yung likuran ko para makita kung nakasunod ba s'ya pero kingina, nakasunod nga!

Marami-rami na ring mga estudyante dito kaya habang tumatakbo ay pinagtitinginan kami! Pati yung mga railings sa hallway ginawa naming palaruan. Wala kaming pakealam basta, takbo lang ng takbo!

"Sid! Bumalik ka dito!" sabi n'ya kaya lumingon ako at inasar s'ya.

"Asa ka!" bulyaw ko. Muntik pang matalisod ang gago kaya tawang-tawa ako.

At yun nagpatuloy lang kami sa paghahabulan.


MELVIN RUSSELL

Nagising ako sa pagkakatulog nang maramdaman kong may yumakap sa'kin. At dahil sa blur pa ang vision ko, kinusot-kusot ko muna ang cute na mga mata ko. Unti-unting lumilinaw ang paningin ko at nakita ko ang isang mukha na inches nalang ang layo sa mukha ko. Nanlaki ng bahagya ang mata ko. "Tangina naman Jeff oh!" sigaw ko kaya nagising ang iba.

The Academy's Cold Hearted PrincessWhere stories live. Discover now