Chapter 17

3.5K 154 2
                                    

CASSIDY LEIGH ANDREI

Nagising ako nang maaga. Himala right? At pag sinabi kong maaga, ibig sabihin mga 3 am. Nauna na 'kong maligo habang tulog pa ang mga ulupong dahil pag gising sila e, hindi ako makakakilos ng maayos. Tsk.

Una kong ginising si Alas.

"Morning." he greeted at dumeretso na s'ya agad sa CR para maligo.

Sunod ko namang ginising si Ray, then kuya Lance, kuya Jhules, Jace, Jake, Mel, Jay, and Jeff. Katulad din ni Alas, dun din sila naligo sa CR ko at dala rin nila ang kanilang sariling kailangan.

You know what I mean.

Nagpunta na ako sa kusina at maghahanda ng agahan. Sandwich nalang siguro.

Sa totoo lang, di nauubos ang stock ng pagkain ko dito. Weird. Pati na rin yung mga gamit ko nadadagdagan e. Tulad nalang ng mga unan at kumot sa closet. Itong dorm ko naman nagiging spacious. Para s'yang lumalaki.

Inihanda ko na ang mga kailangan ko para gumawa ng sandwich. Hindi naman din yun katagalan kasi madali lang naman. Ubos ang dalawang pack ng sliced bread ko.

Nilagay ko na 'to sa tray at nagpunta na sa sala kung nasaan sila.

"Here, sandwiches." alok ko.

"Thanks."

"Thank you." sabi nila kaya tumango ako. Kumuha na rin ako ng isa. Alangan naman sila lang kumain tas ako naghanda. Unfair yun lol.

"Anong gusto n'yong inumin?" natanong ko.

"Milk!"

"Gatas!" they exclaimed.

I nodded tsaka pumunta sa kusina. Kumuha ako ng sampung baso. Ang weird na nito. Bakit sobra ang mga gamit ko dito at sakto lang para magamit namin? Bahala na nga. Tsk.

Kumuha ako ng dalawang karton ng gatas tsaka binuhos sa baso. Nilagay ko ulit ito sa tray at dineretso na sa sala. Nilagay ko ito sa wooden table sa gitna at nagsimula na silang kumuha isa-isa. Di na ako kumuha kasi tapos rin naman akong uminom.

"How 'bout you?" tanong ni Jake kaya imbis na uminom, napahinto sila at tumingin sakin.

"Done." tipid kong sagot kaya uminom na sila.
Pagkababa nila ng baso e natawa ako. May gatas sila sa labi.

"What's so funny?" tanong ni Jay na katabi ko lang.

Cutie..

"You look like a three year-old kid." sabi ko tsaka pinisil ang mukha niya.

"A-Aray! Masakit!" daing n'ya. Tinignan ko naman ang iba pa na ngayo'y nakakunot na ang mga noo. May mga gatas din sila sa labi. I internally laughed nang makita ang mga pagmumukha nila.

"Walang nagsabi sakin na may syam na bata pala akong babantayan." tunog sarkastiko kong sabi. Nagkasalubong naman mga kilay nila. Di yata naiintindihan.

"Syam na bata? Where?" tanong ni Mel.

"Nandito malamang. It's you, you, at kayong lahat." sabi ko sabay tamad na tinuro sila isa-isa.

"Lol, hindi na kami mga bata." kontra ni Jeff.

I rolled my eyes. "As you say so."

Tinignan ko naman yung oras, 04:30 am na.

"Okay, punasan n'yo na yang gatas na nasa bibig n'yo. Baka pagtawanan kayo ni HM." I smirked kaya dali-dali nilang pinunasan ang mga bibig nila.

"Kaya naman pala e." sabi ni Jake.

The Academy's Cold Hearted PrincessWhere stories live. Discover now