Chapter 32

2.3K 133 60
                                    

A/n: Yeyyyy update~ 🤧

***

ALEXIS RAIN

Nandidito kaming lahat sa loob ng office ni HM Len.  When I say all of us, it includes us Royalties, HM Len, HM Henry, and ang Elite na si Jace. Mr. Martin parted ways with us kanina para puntahan personally ang Operation's Room. Nagkita-kita kaming lahat dito matapos kami maghiwalay saglit para hanapin si Cassidy sa mga lugar na posible n'yang mapuntahan. The last clue we got is yung sinabi ni Ace na Cassidy went to look for him in his dorm pero di n'ya sigurado kung sino yung kumatok kasi wala namang nagsasalita or anything until he heard the voice.

Gago e, kung binuksan n'ya nalang sana edi wala kaming hahanapin ngayon. Magseselos na nga lang di pa magawa ng maayos jusko naman, Dreyar. Anuba!

Kung titignan e,napaka-kalmado naming lahat pero kung tititigang mabuti, makikita mong nanginginig pa kamay ni Jace habang ningangatngat nito ang kuko n'ya. Nakatayo lang ito malapit sa bintana at nakasandal sa pader na katabi nito. Yung noo naman nina HM Len at HM Henry makikitaan mo ng pawis, nakapagpunas pa nga ng sabay. Sina Lance at Jhules naman e di mapakali sa inuupuan. Minu-minuto tatayo tas uupo ulit.

Maryosep.

Sina Lance at Jhules maiintindihan ko ang pagkabalisa, lalo na kay HM Len, isa sa mga estudyante ng LMA si Cassidy. Salo n'ya lahat ng responsibilidad pag may nangyari nga kay Cassidy, dagdag pang apo pala yun ng taga-Council. Si HM Henry siguro e nag-aalala para sa asawa kaya ganyan din reaksyon at— si Jace talaga pinagtataka ko e. Kitang-kita ko nginig ni gago mula dito sa single sofa na kina-uupuan ko. His brows are creased together like a straight line at konting dutdot lang siguro mula sa iba e sisinghalan n'ya na. Himala nalang siguro pag di n'ya mabugbog.

Kanina nga, kung di pa namin tinago si Ace dito sa opisina ni HM Len, malamang warak yung classroom namin. There's always a childish war between Ace and Jace simula nung bata pa kami at talaga namang kakailanganin ng limang katao para lang mapaghiwalay sila. Ngayon namang teenagers na, si Jace nalang yung nang-aano kay Ace tas yung huli naman e wala lang pake sa kanya.. but internally though, I can still sense Ace's dissatisfaction whenever he sees Jace's face every damn time.

If we haven't thought ahead of time, malamang nagrarambol pa silang dalawa ngayon. Lalo na nung malaman ni Jace yung nangyari before mawala si Cassidy. He kept on darting glares and snarls on Ace na di lang din pinansin nung isa nang magpang-abot sila dito sa opisina. And by the way, Ace is sitting in between HM Len and HM Henry, just in case mawalan talaga ng pasensya 'tong si Jace at magsimulang mag-amok. At sigurado kaming tatargetin talaga ng hinayupak na 'to si Ace.

Deserve. Kung binuksan lang talaga sana yung pinto e, wala sanang nawawala ngayon.

-____-

"Anong oras na ba?" natanong ni Jay at kinuha ang sariling phone. "Almost 2 na ng hapon. Wala pa bang balita galing sa Monitoring system?" tinutukoy n'ya yung Operation's Room kung nasaan si Mr. Martin.

Nang marinig ni HM Len ang tanong n'ya e dali-dali nitong kinuha ang sariling phone para i-check kung may message na ba si Mr. Martin. Nung makita naman nito na wala pa e, dinial n'ya na ang numero nito at nilagay sa loudspeaker mode. "Martin? Meron na bang balita?"

"HM, wala pa e. Huling kita ng monitor sa kanya e dun sa tapat ng dormitory building, around 6 in the morning. The next path she took are blindspots. Does she know na may monitoring system ang Academy? I thought kaka-install lang nito nung nakaraan?"

Nang marinig namin ang sinabi ni Mr. Martin, bigla din kaming nagtaka. Blindspots ng monitoring system, is it possible na may alam s'ya tungkol dito ahead of time?

The Academy's Cold Hearted Princessजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें