Chapter 40

1.5K 74 22
                                    

A/N: UPDATE! UPDATE! UPDATEEEEE! HEHEHEHE~

***

CASSIDY LEIGH ANDREI

Wednesday.

Ang araw kung saan nakaschedule dadating ang mga damit ko at ang araw kung kailan lalayas ang mga Royalties para magpunta sa kani-kanila nilang kaharian. Di naman halatang masyadong minadali ang araw ano?

I have two moods for this day; isang bored at isang inaantok. Guess n'yo kung alin ang mas matimbang?

:)

Alas nuebe ng umaga at nandito ako sa may canteen nakatambay, kakatapos ko lang kumain ng agahan. I had with me an omelette, fried rice, saka isang baso ng apple juice. May sandwich pa rin palang natira.

You might be wondering kung anong ginagawa ko dito sa mga oras na 'to sa canteen kung gayong oras ng klase, aight, lemme tell you;

Wala kaming teachers ngayong araw at simula nung natuklasan kong meron talagang tao na nagrerestock ng mga pagkain dun sa dorm ko, the next morning after that, natagpuan ko nalang ang sarili kong dumederetso dito sa canteen para kumain ng agahan.

I've been so consistent into coming here to the point nasaulo na nung nagseserve sa canteen yung order ko. I sometimes talk with the crew, I get to know some of their names. Turns out the first day that I started eating here for breakfast was the first time they've ever saw me alone na walang nakabuntot na Royalties.

Nagtanong pa nga kung nag-away ba daw kaming lahat kaya ako nandidito mag-isa tas sabi ko hindi naman. Ganun ba yun? Di lang magkasama nag-aaway na agad? Jusko.

Kung ang crew nga napapatanong anong ginagawa ko dito sa canteen habang nag-iisa, syempre yung ibang students na mga chismoso't chismosa din napapatanong sa may gilid-gilid.

Di ko naman sinasabing nawawala sila dahil mula nung nakakasama ko yung Royalties, nanjan na talaga sila... pero matapos yung gabing inatake itong academy nung mga damulag na Demians, kumukonti nalang sila and some negative comments about me being always with the Royalties nababawasan na den, nawawala na nga.

There have been many negative comments about me na naririnig ko pero di n'yo lang alam kasi di naman sinasama sa mga narrations at point of view ko. Mas hahaba pa yung chapter yawa.

-___-

Ring...

I grabbed my phone and tapped the answer button. "Oh?" sabi ko sa kabilang linya.

"Gandang bungad ah? Nasaan ka na naman ba?" Naghihikab na tanong agad sakin ni Jace.

"Sa canteen, lumalamon. Ba't?"

"Hinahanap ka nilaaa~"

Kinuha ko yung sandwich at kinagatan. " Hayaan mong hanapin ako. Gold ako e."

Bumungisngis ang hinayupak. "Walanghiya ka."

"Ikaw den," sabi ko at ngumuya. Tinawag ko yung isang pamilyar na crew at minwestra yung pinagkainan ko. Nang tumango ito ay saka lamang ako umalis sa pwesto at naglakad papalabas nitong canteen. "Nasaan ba kayo?" tanong ko sa kabilang linya.

"Hanapin mo kami, gold din kami e hahaha," sagot nito na ikinataas ng kilay ko. Ganun?

"Ayoko sa gold, kaya di ako maghahanap. May kailangan ka pa?"

"...Nasa may gate."

Naghikab ako. "Oh tapos?"

"Bweset ka. Nasa may gate nga kami!"

The Academy's Cold Hearted PrincessWhere stories live. Discover now