Chapter 45

1.5K 53 31
                                    

CASSIDY LEIGH ANDREI

Nang makita na ng apat na Elites kung paano maningkit ang mata ni Jace, senyales na hindi na nito nagugustuhan ang mga pang-aasar nila, agad rin naman silang tumigil sa pagtawa.

Bumaling ulit ito sakin saka nagtanong, "How is it now? Wala na ba yung sakit ng ulo mo?"

I cleared my throat and said, "Masakit pa rin."

"Anak ng- wala bang healer dito?" Napapahilot sa sentidong tanong ni Jace.

"Kala ko ba for external injuries lang ang healer?" tanong ni Ryan na ikinalingon namin ni Jace sa kanya. He's right.

"What if itulog mo nalang yan?" sabi ni Rick na agad ko namang sinang-ayunan.

"Gusto ko yan pero yung tanong e pwede ba makaalis kahit di pa tapos yung event?"

"Ask for permission. Siguro naman papayagan ka pag sinabi mong nahihilo kana sa sakit ng ulo mo." Naghihikab na sabi ni Alas. Nakadekwatro itong nakaupo habang tumitingin-tingin sa paligid.

"He's right," segunda ni Keith. "You seem so close sa hari at reyna ng Light Crystal, if you tell them, they might get concerned at payagan ka magpahinga muna," dagdag n'ya pa.

"Di naman yung hari at reyna yung concern ko dito." Nakahalumbaba sa mesa na sabi ko. "In fact, I can go out right now without getting a word from them."

"Oh e ano lang?"

"Yung lola ko." Nakangiwi kong sabi.

"Huh? Ano naman yung lola mo? Si Council Therese ba? E wala naman yun dito," takang sabi ni Dylan.

"Wala nga pero mga katrabaho n'ya-oo," sabi ko at sabay kaming nagsilingunan sa table kung nasaan ang hari at reyna ng Light Crystal na kasama ang iba pang myembro ng Council. "You see that elder there?" tanong ko pa.

"One with the all white hair?"

"Yeah. Elder Ingrid, her eyes seemed to be glued on me mula pa kanina... maybe pwede rin akong magpaalam nalang din sa kanya?"

Naduduling na talaga ako sa sakit ng ulo ko, tipong gusto ko nalang mahimatay bigla amp.

"Kung totoo naman nga yan- edi gawin mo na. Kesa naman bumagsak ka dito sa hilo nang wala sa oras diba? De magiging kargo ka parin ng konsensya nila," Ryan said.

I clicked my tongue and adjusted the strap of my heels para lumuwang, and all while doing that, nakayuko ako at talaga namang damang-dama ko ang pananakit ng ulo ko. Tipong sasabog na anumang oras bweset.

Papatayo na sana ako nang bigla akong pinigilan ni Jace. "Wait," sabi n'ya.

"Oh?" I replied, posture sitting mid-air.

"Nagpakulay ka ba?" naging tanong n'ya ikinakunot ng noo ko.

"Kelan naman ako nagka-oras para gawin yan?"

"Sa stylist na nag-ayos sayo kanina?"

"Crazy. I don't like dyeing my hair."

"Ano ba kulay ng buhok mo?" tanong ni Keith.

"Ain't it obvious na black?" sagot ko sa kanya. Why are they suddenly asking questions like these? Napaka-obvious ng sagot.

"Black? Then why are there red hairs sticking out from your hair roots?" sabi n'ya kaya natigilan ako.

Anudaw?

"A section of your hair is red too," sabat ni Jace and the next thing I knew, the pin and the hair tie that was used to hold my hair up was removed and my hair fell down to my shoulders like a waterfall. It also made my head feel a bit better but still, nandon parin ang sakit. "See?" dagdag uli ni Jace at pinakita sakin ang iilang hibla ng buhok ko. And he's right, it's red.

The Academy's Cold Hearted PrincessDove le storie prendono vita. Scoprilo ora