Chapter 09

4.1K 211 5
                                    

Continuation..

JAKE CEDRIC

"Pwede ka bang mapatay?"

Pagkatapos sabihin ni Cassidy yun, bigla nalang humagis yung mga babaeng nakahawak sa kanya!

Yung babaeng may maikling buhok na hanggang leeg ay tumalsik sa may malapit na pader. Bumakat pa ang katawan nito na lumikha pa ng napakalaking crater. Nahulog pa ito at deretsong nawalan ng malay!

Yung isang babae naman na may kulay brown na buhok na hanggang balikat e tumalsik din sa kabilang pader pero di lang crater nalikha nito, butas na na kitang-kita namin ang school grounds!

Holy shit.

"A-Akala ko ba wala kang magic?!" rinig kong usal ni Rhian kaya napatingin kami sa kanila. Kita ko pa ang pamumutla n'ya sa kabila ng mga kolerete n'ya sa mukha!

"Wala nga. Sino ba may sabing meron?" malamig na tugon ng kausap na humahakbang na ngayon papunta kay Rhian na nanginginig na habang nakatingin dito.

Atras lang ng atras si Rhian hakbang naman ng hakbang si Cassidy tungo sa kanya. Di na nito nakayanan at ginamitan na n'ya si Cassidy ng kanyang magic. "Mirror Shards!" sigaw n'ya. Nagpakawala s'ya ng mga basag na salamin kaya Mirror Mage ang tawag sa kanya.

Delikado. Isang Descendant!

Si Cassidy naman e umaastang parang wala lang ang mga basag na salaming papunta sa kanya. Nagkasugat-sugat na nga s'ya sa pisngi, braso, at binti. Ang uniform n'yang kulay bluish-white ay nahaluan na rin ng dugo n'ya. Bumabaon pa nga yung ibang basag na salamin sa katawan n'ya!

Fuck.

"Fuck. Wala ba tayong gagawin?!" sigaw ni Ray.

"Wala na tayong magagawa jan. No one can stop her in times like this. Baka tayo ang pag-initan n'yan sa pangengealam natin." sabi ni Lance bago tumingin samin at ngumiti. "Liban nalang kung willing kayong magpabugbog sa kanya? Tas isa hanggang tatlong buwan tayong magbabakasyon sa ospital, benefits: Walang pasok."

What the fuck?

"Lance, pre, sigurado na bang walang paraan jan?" sabi ko sabay turo kay Cassidy na ganun parin ang kalagayan, nagkakasugat-sugat.

"Hindi ko na uulitin pa ang sinabi ko.." saad n'ya na lumingon na rin sa wakas kay Cassidy habang nakangiti. I was just going to mock him for smiling nang mapansin ko narin sa wakas ang mga nakakuyom n'yang kamao!

Nagpipigil lang din naman pala s'ya e.

"Ah! Stop! Lumayo ka sakin!" sigaw ni Rhian. Napatingin kami sa kanila at ang lapit na ni Cassidy sa kanya! Ilang hakbang nalang at mako-corner na s'ya sa isang pader!

"Asa ka. Nung mahinahon nga kitang kinausap kanina na bitawan ang buhok ko — ginawa mo ba? Di ka pa nakuntento, pinutol mo pa." nakangising sabi ni Cassidy sa kanya. Kitang-kita at agaw pansin talaga ang mga maladugo n'yang kanang mata na nag-iilaw na ngayon. It was so intense that you couldn't help thinking of a precious stone ruby when casted by light. "Saka na siguro ako hihinto pag naubos at nagsawa na 'kong pakinggan ang boses mo." tawa n'yang bigla kaya kinilabutan ako ng matindi!

Tangina! Anong klaseng babae ba 'to?!

"Come, listen to me first, okay? May ikukuwento ako sayo." si Cassidy ulit. "Do you know those old cliche stories ng mga batang iniiwan ng magulang kaya napadpad sa mga di kadugong tao? Ay let me tell you, I'm one of those kids. So why am I telling this? It's because I want you to know na kahit di ko tunay na kadugo ang mga nagpalaki sakin, still, lumaki ako ng maayos at may respeto sa sarili. Let me also tell you this ha, hindi para ma-inggit ka or sabihan mo akong mayabang, but I also have many admirers. Alam mo ba kung bakit? Ang sabi nila kapag tinatanong ko sila, kasi daw aside from my face e I'm well-behaved, well-mannered, di man marunong mag-ayos, e malinis tignan. Ikaw? Kayo? Anong nakukuha n'yo sa sobrang kulay na nasa mukha n'yo? Yung pagsisigaw n'yo, yung pagdikit-dikit n'yo, yung pambubully n'yo sa ibang estudyante dahil nadikit lang sa mga taong gusto n'yo?" malumanay na sabi ni Cassidy. "Ginawa mo sakin 'tong ginagawa mo ngayon dahil lang dun? Saan ang hiya mo?" may diing bigkas ni Cassidy isa-isa sa mga huling salita na binitawan.

The Academy's Cold Hearted PrincessNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ