Chapter 04

4.5K 182 12
                                    

JACE WARREN

"Tanda," bungad ko nung makabalik sa Academy, "Di man lang gumana approach ko, hirap kausapin ng babaeng yun." sumbong ko pa sa Matandang kwago na Headmaster na 'to na tila natuwa naman sa narinig habang ako naman e napaisip kung anong katuwa-tuwa sa sinabi kong yun.

Yung nakipagharap-harapan ako sa babaeng yun o yung kinakausap ko yun pero hindi man lang nagsasalita? Para nga 'kong ewan dun tss.

"Magaling Jace, ano pa ang mga napansin mo sa kanya?" natutuwang tanong n'ya ulit sakin na ikinasimangot ko.

Ano ako? Tagareport n'ya? Sa pagkakaalam ko ang mga reporter ang nagtatanong ah? Tss.. estudyante ako dito aba!

"May kasama pala yung Light Magicians na walang alam sa estado n'ya. Mukhang nagkaroon pa nga ito ng maling impresyon sakin." nakangiwing sabi ko. Natawa't napa-iling na naman ito.

"Hay nako ka Jace, kahit kelan talaga hahaha! Baguhin mo kasi yang mukha mo. Napagkakamalan kang masamang tao e!" tatawa-tawang pang-aasar na sabi nito sakin.

Bwesit talaga.

"Ano pang napansin mo sa kanya?" biglang tanong na naman nito. Ngalay na bibig ko aba grr.

"Dunno.. pero maganda ang isang yun. Patay nga lang kung makatitig. Medyo malamig makitungo sa iba bukod sa dalawang kasama n'ya." sagot ko na ikinangiti n'ya lang.

Tumango-tango nalang si Tandang HM at nagsimula ng maglakad.

"Ah teka lang, babawiin ko yung sinabi kong 'Medyo' malamig.. Malamig talaga s'yang makitungo sa mga tao." I said and shrugged nung maalala yung nangyari sa Café.

Grabe yung sense of opressung babaeng yun. Presensya palang mangangatog ka na na akala mo nawalan ka ng buto at gusto mo nalang lumubog bigla. Iba talaga pag harap-harapan mo s'yang tinitignan. Di naman ganun nangyayari kung mananatili ka lang sa gilid n'ya habang simpleng tumitingin e.

Brr..

Tumango ulit si HM at nagsimula ng maglakad papalabas sa opisina n'ya, leaving me here in his office.

"Makatulog nga muna.." sabi ko at padapang humiga sa sofa dito at pumikit na. Mamaya ko nalang iisipin kung anong gagawin ko mamaya.

CASSIDY LEIGH ANDREI

Blangko.. yun ako.

Mukhang tanga, sila

Naka-uwi na kami kanina pa at dinaanan na muna yung park bago dumeretso dito sa mansyon. Kanina pa nila ako pinipeste at tinatanong kung ano daw yung binulong nung lalaki sakin. Takte naman sa timing, inaantok na 'ko e!

Wala namang espesyal dun sa binulong n'ya. Naguluhan lang talaga ako kaya napakunot ang noo ko tss. Wag n'yong sabihing nagseselos ang dalawang 'to sakin dahil may naka-usap akong gwapo? Lah. Kingina.

-______-

Anyways, di naman talaga big deal yung binulong. Parang walang lamang salita lang naman ang mga yun. Walang katuturan kumbaga.

Flashback tayo ng konti.

Habang nakaharap parin ako kay kuya Jhules, naramdaman ko ang paglapit sakin nung lalake sabay bumulong sa tenga ko na, "It's nice to finally meet you face to face, mag-ingat ka sana lagi.. may gagampanan ka pa." then yun na. Lumayas na s'ya.

"Ano ba yung binulong n'ya sa'yo?" rinig kong tanong uli ni kuya Jhules kaya napaayos ako ng upo.. then back to slouching position again.

"Wala lang nga tsk. Just empty words, don't make a big deal out of it." napipikon na ng konting sabi ko.

Alam n'yo, kanina pa 'to nagtatanong e, nung nasa café palang kami. Dinamay n'ya pa si kuya Lance. Kesyo masama daw ang taong yun.. e parang hindi naman. Wala nga yung ginawa sakin para saktan ako e. Yung mga nanakit ang masasama, hindi yung namimigay ng flyers at bumubulong. At di ko din yun pinagtatangol, sinasabi ko lang ang nakikita at napapansin ko.

"Ano nga kasi yung sinabi n'ya sayo?" he whined again.

"Tss." sagot ko sa kanya. "Hindi importante yun okay? At tsaka wala din akong naintindihan dun maski isa. And ano bang problema n'yo? Bulong lang — big deal na big deal? Maghanap din kayo ng mga ma-itsurang lalake dun sa labas at magpabulong din kayo tas tanungin n'yo isa't-isa kung anong binulong ng kung sino sa kung sino. Inaantok na nga ako, binebwesit n'yo pa ko."

Pwedeng mangbatok? As in ngayon na? O di kaya'y bigyan n'yo ko ng basag na bote, ipapakain ko sa dalawang 'to! 

"Kung di naman pala big deal, pwede mo pa din namang sabihin samin.. ano ba kase yun —" naputol yung sasabihin n'ya dahil tumayo na 'ko at naglakad papuntang hagdan para umakyat tungong kwarto. I give up. Antok na antok na talaga 'ko. Bahala sila jan.

Narinig ko naman ang mga buntong hininga nila. Bakit ba big deal sa kanila yung bulong na yun?

Parang bulong lang e.

Gusto nila bulungan ko din sila para quits din kami?

-_____-

Nang makapasok ako sa kwarto ay dumeretso agad ako sa closet ko at kinuha yung pares ng pantulog bago pumasok sa CR at naglinis ng katawan. Nang matapos naman ay padapa agad akong humiga sa kama. Fuck. Nothing beats a comfy bed.

With my droopy eyes, pinakiramdaman ko ang paligid at sakto nung di ko na makayanan pa, may pumasok bigla sa kwarto ko at umupo sa gilid ng kama ko.

"Magbabalik kana sa mundo mo, apo.."

Huling katagang narinig ko bago nagdilim ang  paligid ko.

K I N A B U K A S A N

"Good morning apo!" masiglang bati ni lola sakin.

"Morning." sagot ko sa kanya.

"Halika na, nagluto ako ng agahan, sumabay kana samin." sabi n'ya. Nangunot naman ang noo ko. Samin? Samin nino? Mga katulong?

Tumango nalang ako kahit na naguguluhan.

Pagdating ko sa dining table, bumungad agad sakin ang mga seryosong mukha nina kuya.
Kaya naman pala SAMIN.. may mga asungot.

-______-

Sinubukan kung kunin ang atensyon nila at nagtagumpay naman ako. Tinaasan ko sila ng kilay.

^__^→Kuya Lance

O﹏O→Kuya Jhules

"Good morning!" magkapanabay nilang bati sakin.

"Ohayo." sagot ko na naman na kinakunot ng mga noo nila. Manood kasi kayo ng anime. Duh.

Binuka ni kuya Jhules ang bibig n'ya na parang may gustong sabihin pero kaagad din n'ya naman itong sinara at nanahimik nalang.

"Halika na apo, umupo ka na at kakain na tayo." sabi ni Lola. "May sasabihin din sana ako sayo." dagdag n'ya pa kaya umupo na ako at nagsimula na nga kaming kumain.

***

HMMM..

-@KaiZero04 - Kylla31 here-

··EDITED··

The Academy's Cold Hearted PrincessWo Geschichten leben. Entdecke jetzt