Chapter 10

4.2K 190 4
                                    

JHULES REY

Hello it's me again. Jhules na gwapo at your service!

Sabado na nga pala ngayon, two days na rin ang lumipas since nung naging salpukan nina Cassidy at Rhian. Sa nakikita namin ngayon, mukhang MEDYO close na silang dalawa.

Si Cassidy na walang pakealam sa mga nangyayari malapit sa kanya habang si Rhian naman e parang nahihiya parin tumingin ng deretso sa kanya. Hanggang ngayon e balot parin ng bandages at gauges ang braso, binti at mukha ni Cassidy. Although maliliit nalang, mahirap na baka magkaroon ng impeksyon. Sa sobrang dami ba naman nung sugat n'ya e hiningal yung healer! Yung healer pa hiningal! Maryosep.

Grabe, pag ako nakatamo ng sugat na ganun mukhang tatlong araw ata akong nakahilata sa kama pero itong babaeng 'to? Di lang s'ya ang nagdala sa sarili n'ya sa clinic, nakalabas at nakapaglakad pa s'ya kinagabihan! At imbes na dumeretso sa dorm, sa cafeteria po s'ya dumeretso. OPO. Kumain po muna s'ya na parang wala lang ang nangyari sa kanya. Yung mga nakakita nga sa kanya e parang mas natakot pa sa kalagayan n'ya kaysa s'ya mismo sa sariling katawan n'ya!

Normal pa ba yun?

Pinaliwanag n'ya rin samin yung ginawa n'ya, sabi n'ya kasi ayaw n'yang masira ang Academy pag nagkataong tinuluyan n'ya si Rhian. Ang hangin masyado e no? Wala naman s'yang magic. Pero puta, sige pagbigyan! Edi s'ya na malakas!

Well, di naman kasi malabong mangyari yun kahit wala s'yang magic. S'ya pa? Ang amazonang yun. Kahit nga ang sama n'ya sakin at tinatawag akong PINK BOXER e nag-aalala parin ako dun. Oo na! Aamin na 'ko dun na kasalanan ko talaga kung ba't lumipad yung boxer shorts ko! E hindi ko din naman yun sinasadya! Akala ko si Lance kaya pinaglaruan ko ng prank!

Mayghad myself, gwapo ka na, mabait ka pa. Napakaswerte ng inaalala mo na para namang walang pakealam sayo. Hayop.

Sa dalawang araw na nagdaan e sumasama na rin Rhian sa pagpasok namin. Buti nga yun may makakasabay na s'yang pumasok bukod samin. Kami namang nag-gagwapuhang lalake (wag sanang bumagyo Lord amen) ay yun parin, buntot parin n'ya ang eksena.

-____-

Kung hindi kasi namin gagawin yun, lalapitan at dudumugin s'ya nung mga lalakeng — pati na rin pala mga babae — estudyante. Nalingat nga lang kami minsan, napalibutan na s'ya ng mga tsokolate at bulaklak na binahingan n'ya lang sabay layas.

Hayop.

At s'ya nga pala, nandito kami ngayon sa dorm n'ya, hinihintay namin s'yang bumaba. Bale, nasa sala kami naghihintay sa kanya. Tulog mantika talaga ang babaeng yun.

Napag-planuhan kasi naming walo na lumabas at isasama si Cassidy. Nakipagtalo pa nga samin dahil ayaw daw n'ya kasing lumabas ngayon at plano n'ya raw matulog buong araw. Kaso nga lang, walo kami, isa lang s'ya at napaka-ingay namin kaya wala na s'yang nagawa pa at padabog na pumayag nalang. Dadalhin rin namin s'ya sa tree house namin since one of the boys din 'to. Gusto din nito ang tahimik na paligid.

Perfect description ng aming tambayan. Hay, so proud.

"Ang tagal naman n'ya." reklamo ni Jeff.

"Manahimik ka nalang kung ayaw mong masapak." tawang sabi Lance.

"Bakit naman? Anong ginawa ko?"

"Nakalimutan mo bang pinilit lang natin s'ya?Maririnig ka nun kaya kung ayaw mong masira yang pagmumukha mo, manahimik ka. Sayang itsura mo." sabat ko.

"So inaamin mong may itsura ako?" tanong ni Jeff sabay ngisi. Nga naman meron s'ya.

"Oo, meron kang itsura. May mata, ilong, bibig at kilay ka. Mas magulat ka gago pag wala." asar ko sa kanya.

The Academy's Cold Hearted PrincessWhere stories live. Discover now