Chapter 22

3.2K 164 18
                                    

CASSIDY LEIGH ANDREI

Lumipas ang oras at nanatili parin kaming nakatingin sa mga nagsasayaw. Though iba-iba yung dance steps, still sumasayaw pa rin. Nagsasawa na nga 'ko. Wala bang kumakanta dito? Tas lumalamon ng apoy ganun.. sama na rin yung naglalakad sa bubog at kung anu-ano pang trip na ma-isip.

Napahikab ako at kasabay nun e ang pagdunggol sakin nang kung sino. Muntik pa 'kong mabulunan. Tangina. Sinamaan ko ng tingin yung lokong natawa lang sakin. "Ano na namang trip mo sa buhay, Dreiloc?" singhal ko dito at uminom ng tubig.

"Sino yung lalakeng naghatid sayo dito sa harap?" tanong n'ya. Napataas naman ang kilay ko.

"Future ko." nakangising sabi ko.

"Ulol. Dadaan muna yun sakin." Luh.

"Pake mo?"

"Malaki." ngisi naman nito waring naang-aasar. Aba't — sinusubukan talaga ako nito.

"Gusto mong ako muna dumaan sayo? Wala akong motor, pero pwede akong manghiram ng pison. Ano? Payag ka?" kukurap-kurap kong sabi dito. Di naman ako pinansin ng loko at tawa lang ng tawa habang ginugulo ang buhok ko. Inis ko naman itong hinampas.

Come to think of it, mas matanda nga pala 'tong si Dreiloc sakin. "Ilang taon kana nga ulit?" tanong ko dito.

Nginisihan naman ako nito kaya inambahan ko ng suntok. "Chill. I'm 19." nakangiti nitong sabi.

"Whoa. Gurang!" nasabi ko. Kinutusan n'ya naman ako. "Aray.." nakamot ko yung parte ng ulo ko na kinutusan n'ya.

"Makagurang ka, para namang di pa 18 yang ibang kaklase mo. Si Ace lang pinakabata jan."

"Oh?" ang nasabi ko nalang.

Nagtagal pa kami sa pag-uusap at ilang minuto pa ang lumipas, naramdaman nalang namin na may kakaiba sa paligid. Sabay-sabay kaming napalingon sa harap at yung kaninang mga sumasayaw e nagsi-atrasan at yung mga nanonood kanina e isa-isang nagsi-alisan. Nagtatakbuhan pa nga yung iba.

Lintek lang naman. Ang sabi ko lang kanina palitan ang performance, hindi yung mga nagpeperform!

Ateng maganda, bumalik ka please..

Napasimangot ako at pinasadahan ng tingin ang mga sumira sa masayang pagdiriwang. Umalis tuloy si ateng maganda na magaling gumiling! Parang oud lang na binudburan ng asin.

Honest lang ako. Char. Balik tayo.

Akala ko nga nung una taga DMA 'tong mga gate crasher na 'to e pero sa itsura ni Jace, mukhang di n'ya ito kilala. At wala namang logo ng DMA ang mga cloak nila e. So ibig sabihin, di rin sila estudyante ng DMA.

Di rin sa LMA. Walang nagsusuot ng itim dun sa Academy, bukod uniform, puro puti ang makikita dun kaya parang may binyag. Hindi ko lang alam kung anong kalagayan dun sa DMA. Dun ata sa kanila parang may lamay.

Heh.

"Demians.." nasabi ko nalang habang nakatingin sa mga bagong dating na bisita namin ngayong gabi. Sila nalang ang na-iisip kong mahilig manira ng araw. Syempre bukod sa mga lokong kasama 'ko.

"Anong kailangan n'yo?" may pagkama-awtoridad na sabi ni Jake. Napasipol ako.

"Omg, ampogi!" biglang salita nung isa sa lima. Yep. There were five of them. Ibinaba nito ang nakatalukbong na hood at tumingin samin ng diretso. Girl, a height of 5'5 sa tansya 'ko at may kulay dilaw na buhok na tulad ko e hanggang balikat ang haba. Nagsitaasan ang mga kilay namin

Napalingon ako kay Jake matapos marinig ang sinabi nung babae. Di man lang ito natinag. Aw. Asan na yung parang nauulol na aso kanina kakatingin sa mga sumasayaw sa baba?

The Academy's Cold Hearted PrincessWhere stories live. Discover now