Chapter 02

6.1K 234 10
                                    

LANCE DREY

Before anything else, the name is Lance Drey Falcon and I am one of Cassidy's childhood friends. Dalawa kaming mga kababata n'ya, alam n'yo na siguro kung sino yung isa pa diba? Kung hindi naman, aba'y wala na 'kong kinalaman jan.

De char lang.

Nandito kami ngayon sa labas ng room ni Cassidy. Hinihintay namin s'ya kase gusto ko sanang humingi ng tawad sa kanya dahil sa nasabi ko kanina sa may kusina. Napakababaw man and I know she's not like that kind pero di n'ya 'ko pinansin e. Kasalanan n'ya rin lol. Di ko naman talaga alam na s'ya yun e.. malay ko ba?

Kainis din naman kasi e! Di ko malaman kung galit ba s'ya sakin sa nangyare kasi di ko mawari ang emosyon na gamit n'ya! Lagi nalang yung blangko o di kaya'y poker faced. Minsan tuloy di ko maiwasang sakalin sa isip ko yung mga magnanakaw na nanloob sa bahay nila nung bata pa s'ya. It's because the blow of the trauma she received that she became like this.

Looking incredibly lifeless and unapproachable. Parang walang ganang tignan lahat na nasa mundo.  Di mo mawari kung anong iniisip. Unpredictable.

-_____-

Pero parang nasisigurado ko namang hindi s'ya galit sakin.. ata. Sana nga. Kapag kase galit yun, tulog ako ng ISANG LINGGO. STRAIGHT! De biro lang.

Pero baka talaga.. jusko huhuhu.. ayoko na ng nagyeyelong treatment. I've been receiving that kind of treatment since years ago, kaming dalawa ni Jhules actually.

Nagtataka siguro kayo kung bakit kuya ang tawag ni Cassidy samin gayong di naman kami magkapatid ano?

Ganito kasi yun

Flashback..

10 years ago

"Lance, sabi ni ate Meri may bago na daw tayong makakalaro!" sabi ni Jhules sakin habang naka-upo kami sa sofa sa sala ng bahay ni Lola Therese, magkapitbahay lang kami kaya we're extremely close. She treats us a her own grandson and we also treat her as our own grandma.

"Talaga? Sino daw?" tanong ko naman sa kanya.

"Ewan.. yun lang sabi ni ate Meri e. Dadalhin daw ni lola dito para tumira.. naiwan na daw ng parents e.. kawawa naman s'ya." sabi n'ya with eyes drooping low, expressing his pity to the said new kid.

Kahit kelan talaga ang arte nito.. sarap batuhin ng unan.

"Kawawa naman pala.. sa tingin mo kaya magiging kaibigan natin s'ya, Jhules?" excited at puno ng expectation kong sabi sa kanya habang nagtatatalon pa sa kinauupuan ko.

"Hope so ah. That kid must be feeling lonely." komento naman n'ya.

Ilang minuto lang ang lumipas nang marinig naming bumukas ang main door ng mansyon ni Lola at iniluwa nito ang isang batang babae na straight lang tingin. Di ko mabasa ang nasa mukha n'ya. It was extremely blank na parang mahihiyang tumabi sa kanya ang isang bondpaper.

Regardless of how emotionless she's showing, na-excite parin kami dahil may bago na kaming kaibigan! She's also really pretty! Tumakbo kami ni Jhules at lumapit muna kay Lola Therese at nagmano bago namin nilapitan yung batang babae para batiin.

"Hi!"

"Hello!"

Magkapanabay na bati namin ni Jhules sa kanya and we patiently waited for her response. Tinignan lang kami nito nung una bago n'ya nilingon saglit si lola Therese saka bumaling pabalik ulit samin. She broke into a thin smile pero nagpangiti parin ng malaki samin ni Jhules.

"Hi." she said.

Mas lumapit naman kami ni Jhules sa kanya at nagpakilala. "I'm Jhules Rey but you can call me Jhules. Everyone calls me that." ngiti ni Jhules.

The Academy's Cold Hearted PrincessWhere stories live. Discover now