Chapter 33

2K 119 43
                                    

A/N: Update tayo jan~ 😀✋🏻

***
DAYNE DARWIN

Ilang minuto na ang nakalipas simula nung magising ako. At kahit na gising na 'ko e hindi parin ako nakakatayo mula sa higaan. Bakit? May tao lang namang nakadagan sakin. She was sprawled on my chest at parang wala pang balak gumising. The moment I opened my eyes, ito agad bumungad sakin.

Is my body that soft to be a pillow?

I really think not.

Her head is on my chest, facing southward habang ako naman e nakahilata lang dito like a salted fish waiting to be dried up. Kelan ba magigising ang babaeng 'to? For a lady like her to be this naive and unguarded in a man's room is completely insane.

Buti nalang mabait ako.

:)

Seconds later, gumalaw s'ya. Yung mukha n'yang dating nakaharap sa may paanan ko e nakaharap na sa ulo ko.. ulo sa taas ha? Tangina.

Black hair scattered everywhere on her face making it quite dimmed kaya pahirapan makita kung nasaan ang mga mata n'ya. Curious about her sleeping face again, ginalaw ko ang kanang kamay ko para hawiin sana ang iilang hibla ng buhok na nakatabon sa mukha n'ya nang may biglang umilaw na pula mula dito kaya napatigil ako at nanlaki pa ang mga mata ko nang makita yun.

What the fuck?

That one red orb blinked at nakatutok lang sa pagmumukha ko kaya para akong estatwa ngayon sa pwesto at sa naging galaw ko.

MATA BA 'TO? TANGINA.

"What are you going to do?" the voice slurred. Parang bumubulong pero nakapalakas sa pandinig ko. The owner of those eyes blinked again, she dragged her body to sit up groggily and combed her hair up lazily sabay hikab. Binuksan n'ya ulit ang mga mata n'ya kaya nakita ko na naman yung umiilaw ng pula. I can't seem to take my eyes off it at parang napansin yun nitong babae. "The fuck are you looking at?" natanong nito.

Para naman akong nabalik sa reyalidad at ibinaba ang kanina pa nakataas kong kamay. Ngayon ko lang napansin na nangangalay na pala. I'm that dazed? Napa-upo ako sa pagkakahiga.

"So? What are you looking at?" natanong na naman ulit nito. Nakatutok parin ako sa mata n'ya at itinuro ang sariling kanang mata.

"Your right eye glowed the moment you opened your eyes.." sabi ko. Nahinto at napakamot naman s'ya sa pisngi n'ya na para bang problema talaga sa kanya ang pangyayaring yun. She blinked her eyes repeatedly hanggang sa makita kong bumalik ito sa normal.

"Still glowing?" she asked.

I shook my head, "Not anymore."

"Good." sabi n'ya at humilata ulit sa higaan. Her skirt went up a bit further kaya naiwas ko ang mata ko at pabagsak na tinabon sa kanya ang makapal na kumot. "What are you doing?" natanong na n'ya naman.

"What do you think?" tinaasan ko s'ya ng kilay. Kailangan pa ba talagang itanong yun? Gago.

"Tss. No need to be conservative, lalake ako."

I blinked my eyes many times habang nakatingin sa kanya at ganun rin s'ya sakin. A minute later, I coughed out blood.

WHA-WHA- WHAT THE FUCK?! LALAKE S'YA?

Ubo ako ng ubo at sinusuntok-suntok ng mahina ang dibdib ko dahil para akong nasamid sa narinig ko! Tawang-tawa naman s'yang nakatingin lang sa paghihirap ko kaya sinamaan ko s'ya ng tingin.

"L-Lalake ka talaga??" di makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Hinde." pigil-tawa nitong tugon. "I was just kidding." nahihikab na nitong dagdag. Napaka-antukin.

The Academy's Cold Hearted PrincessWhere stories live. Discover now