Chapter 36

1.8K 67 26
                                    

JACE WARREN

Matapos ang isang araw na paglilibot sa mall upang hanapin ang isang lakwatsera at isang boy apoy na pinaglihi ata sa bula dahil bigla-bigla nalang nawawala— nakabalik na rin kami sa loob ng campus sa wakas!

"Hayop, saan ba nagsususuot ang dalawang yun at ambibilis mawala?" reklamo ni Miller.

"Gago sinabi mo pa. Si Cassidy na halos isang araw na nating hinahanap nag-ala ninja ata sa galing magtago. May napagkamalan pa tayo kanina. Nakakahiya!" Kakamot-kamot ulong sapaw din ni Melvin. "Si Ace naman na halos kadikit lang natin maglakad bigla ring naglaho na parang bula!" Nanlalaking-matang dagdag pa nito.

"Eeedi kaya magkasama silang dalawa ngayon?" biglang sabi naman ni Alexis.

Napa-ayos naman ako ng upo sa sofa nung marinig yun.

Nga pala, nasa loob kami ng opisina ni HM, ginawa na naming tambayan bilang wala s'ya ngayon. Busy ata sa ibang bagay, pareho silang wala ni Tanda ngayon.

"Teka, tatawagan ko," nasabi ko at idinial nga ang numero ng isa sa kanila. Sinimulan ko sa phone ni Cassidy. Ilang segundong -totot- lang narinig ko bago ko binaba. Halatang naka-off e. Kanina pa 'to bweset.

-__-

Dinial ko yung numero nung isa. Narinig kong magring ng ilang segundo bago nag-end. Hayop.

"Hayop in-end!" dabog ko sa sofa.

"Sino sa dalawa?" natanong nila.

"Yung si Dreyar!" tugon ko. Lumapit naman si Lance sakin.

"E yung kay Cassidy na-try mo na?"

"Oo. Kanina pa naka-off cellphone ni babae."

Alexis dramatically laid herself down sa sofa habang nilalagay ang isang kamay sa noo. "Anubayan!" she grumbled at hinila ang babaeng Earth Elementalist na si Rhea at nagyakapan sila dun. Kapwang pagod. Yung kapatid naman ni Ray e pinipeste yung kuya n'yang nakatulog habang naka-upo sa sofa, back straight.

Si Jhules naman parang ayaw na atang mabuhay dahil kumuha pa ng marker sa table ni HM at nagpapaplano atang guhitan ang mukha nung tulog na Splinter.

"Heyyy—!" sita ni Sunshine.

"Shh~ Wag ka ngang maingay!" tugon ni Jhules.

"If you really got caught by kuya, abo ka talaga! And just to be clear, I won't save your pwet when that happens! Okay??"

"Sus. Tabi ka nga."

"Ouch naman! Can you be more softer sa pagtulak? I have a fragile body kaya! Gago ka ba?"

"Babae din naman yung si Cassidy pero ba't di ko naririnig nagreklamo?" Nakataas-kilay na tanong ni Richmond.

"You can actually tulak-tulak her whenever?" shocked, nanlaki pa mata ni Sunshine.

"T-That..."

"He can't. S'ya ang natutulak instead," sabat ni Lance na nasa tabi ko.

"Ayyy, you're the one who's kawawa naman pala e."

"Hmp, nevermind basta tumabi ka jan," ulit na naman ni Jhules at saktong pagdampi palang ng dulo ng marker sa may matang bahagi ni Ray, bumukas ito at bumungad ang mala-kuryenteng kulay nitong mata na masamang nakatitig sa taong nasa harapan n'ya.

"I'm awake, asshole." He glared and grabbed the other's wrist bago tinulak sa sofa ng nakatalikod at dinaganan ito. Specifically, inuupuan n'ya ang likod ni Jhules habang nakadekwatro at balik ulit sa pagpikit ng mata. Take note, naka-back straight parin yan. "Quiet," huling sabi nito bago din nanahimik.

The Academy's Cold Hearted PrincessWhere stories live. Discover now