Chapter 08

4.1K 187 2
                                    

Dedicated to: Psychofries

***

LANCE DREY

Anak ka ng nanay mo, di parin ako makapaniwalang kumislap ng ganun ang mga mata ni Cassidy! Di pa nakuntento, ngumiti pa!

I need holy water na pangligo para siguraduhing di ako nasasapian at nag-iilusyon! Ngayon na!

Nandito kaming walo ngayon sa aming pinakahumble na tree house. Tago ito at kami lang magbabarkada ang nakaka-alam.

"Oh Lance? Anyare sa'yo, ba't para kang lutang na ewan jan?" tanong sakin ni Melvin.

Di ako sumagot. Magiging OA lang sa kanila ang sagot ko kahit totoo naman!

"Ay nako, naulol lang yan kasi dun lang n'ya nakitang ganun kasaya ang mukha ni Cassidy HAHAHAHA." sagot ni Jhules.

"Ha?" singit ni Jake. "Di ba s'ya ganun parati?"

"Ulol, gagawin ba naming big deal kung araw-araw yun? Napakadamot ng babaeng yun pagdating sa ngiti, tuwa pa kaya?"

"Lah? Makailang beses n'yo na ba s'yang makitang ganun kasaya?" tanong ni Jay na s'yang dahilan nun pinag-uusapan namin ngayon. Makuha lang sa pagiging cute e no? Nako, pag ako talaga naging cute, tangina lang. Ilalagay ko sa transparent glass ang sarili ko para tignan ni Cassidy!

Siguradong matutuwa si lola!

Ngayon, ako naman ang sumagot sa kanya. "Maniniwala ka ba pag sinabi naming hindi pa?" natatawa kong sabi sa kanila. Napasinghap silang tatlo.

"HINDI PA?" sabay-sabay nilang tanong. Kasama na dun sina Ray, Ace at Jeff.

Nakikinig din pala yung tatlo pa e.

"Pa'no yun, alam kong cold type s'ya gaya ni Ace pero marunong namang magpakita ng konting saya ang taong yelong 'to, kahit pakurba lang." sambit ni Jeff at tinuro si Ace.

Tinampal naman ni Ace ang daliri nito na napa-aray pa. "Wanna be roasted?"

Tangina. Nakalimutan kong isa pa pala 'tong bloke ng yelo.

Umakto nalang na parang zinizipper ni Jeff ang kanyang bibig at tinaas ang dalawang kamay na parang nahuli ng pulis. Pero pag si Cassidy talaga ang nagalit, di ko no alam kung anong pwedeng mangyari sa mga kumag na'to. Hirap imaginin. Mga Prinsipe ang mga 'to, malalakas pag iisipin mo dahil mga Elementalist at Descendants..

Ey. Kahit pa ata mga pawang Elementalist and Descendants ang mga 'to, ewan ko nalang talaga dahil marunong makipagsabayan sa labanan si Cassidy.

Ayoko ng mag-isip pa. Por pabor.

"Oh s'ya, s'ya tama na yan. Balik na tayo sa mga dorms natin." sabi ni Raymond kaya yun nga ginawa namin.

***

CASSIDY LEIGH ANDREI

Tatlong araw na simula nung pumasok kami dito. Tatlong araw ko na ring kasama ang walong 'to. Sabay pumapasok, sabay kumakain, sabay din umuuwi. Kaya di na nga rin ako nalelate e, bale para silang alarm clock ko. Pumupunta sila sa dorm tuwing umaga at pag may narinig akong kumatok ay nagmamadali na akong bumangon para maligo, pag nakabihis na 'ko ay pinapapasok ko na sila sa dorm at dun na rin sila kumakain.

Mabuti nga't malaki yung dorm ko at nagkakasya kaming syam dun. Nagmismistula kaming isang gang araw-araw.

-_______-

Time check, 07:14 AM

Naglalakad kami ngayon papuntang classroom.  Sina Melvin, Jeff at Jay nag-uusap habang nagce-cellphone, holographic phone, naman yung iba at nagpapamusic naman yung iba pa. Ako lang yung may dala-dalang maliit na towel na napagtripan kong paikot-ikutin ng papalit-palit sa hintuturo at gitnang daliri ko nang may bigla nalang humila sa'kin. Buti di ko nabitawan yung towel!

The Academy's Cold Hearted PrincessWhere stories live. Discover now