Chapter 14

3.6K 181 13
                                    

CASSIDY LEIGH ANDREI

Umaga nang naalimpungatan ako at babangon na sana nang mapansin kong may hawak ang kamay ko. Tinignan ko itong mabuti.

Kamay din?

Hala. Sa pagkaka-alala ko, hindi ko naman napatay ang nakalaban ko sa Leveling ah? Di 'ko rin naman yun chinop-chop.

Waw, pagkamalan tayong serial killer nito e.

-_______-

Pero.. kung sa kanya 'to, ba't ang lapad at ang laki naman yata ng kamay n'ya? Di 'ko rin naman ugaling humawak ng parte ng taong napatay ko na. Kingina lang.. wala pa nga akong napapatay e! Di kaya maton talaga ang babaeng yun at nagpapanggap lang na lokaret??

Ang lawak ng imagination ko putek.

Sinundan ko ng tingin ang kamay hanggang sa makita ko na ang braso. May nakita pa akong katawan ng lalake!

Naniniwala na talaga akong malikot akong matulog kase kung hindi, edi sana hindi yan plakda sa sahig ngayon. Natabunan ang mukha n'ya ng kumot kaya dahan-dahan ko itong itinaas at tumambad sa'kin ang mukha ni kuya Jhules.

Ano na naman kayang nangyari sa kumag na 'to? Iginala ko ang tingin ko sa paligid ng aking kwarto.. then I made a face.

Anong ginagawa ng mga Royalties dito sa kwarto ko? Wag mong sabihing naligaw ang mga 'to? Di naman ata ako maniniwalang naligaw sila. Kasama nga nila sina Ray at Ace e. Alam kong matatalino ang dalawang 'to.

Pabalang kong binitawan ang kamay ni kuya Jhules. Itatanong ko nalang kung anong naging trip nila kagabi at naging ganito ang nangyare pagnagising na sila.

Lintek. Ba't ba sila natulog dito? Si Ray at Ace ay natutulog habang naka-upo at nakasandal ang mga ulo sa gilid ng kama. Si Jay, Jake, Melvin at Jeff were on the floor cuddling each other. Mabuti't 'di tulo laway ang mga 'to. Si kuya Lance naman nasa may study table.

Bumangon na ako at nagpunta sa banyo para maligo. Nagdala na rin ako ng uniform baka kasi magising ang walong 'to pag nagbihis ako rito.

After several minutes, natapos na akong maligo. Paglabas ko di pa rin sila nagigising kaya naghanap ako ng extrang kumot. Kinumutan ko sila at lumabas na ng kwarto para makapaghanda na ng agahan.

I took eggs, bacon and hotdogs from the fridge at nagsimula nang magluto.

Nang matapos ay inihanda ko na ang pagkain sa lamesa at kumain mag-isa. Nilagyan ko narin ng walong plato para pag gising nina kuya e makakain na sila agad.

Hinugasan ko ang pinagkainan ko. Napatingin ako sa wall clock, 5 AM pa pala. Naglinis na muna ako ng konti sa sala. Makalat e. Alam n'yo na kung sino ang gumawa nun. Tss.

Nakakatamad bwesit.

Nang matapos ako ay nakarinig ako ng pagbukas ng pinto sa kwarto ko at tumambad sakin si Ace na nagkukusot pa ng mata at gulo-gulo din ang buhok.

Kawaii.. Ang aga ni Alas.

"Morning." he greeted nang makita ako.

"Likewise. May pagkain na dun sa mesa." I said.

Nagthumbs up lang s'ya sakin habang nagkukusot parin ng mata at lumakad na papuntang dining table. Sumunod naman ako sa kanya.

"Kayo na ang maglock sa dorm ko. Maglalakad-lakad lang ako dun sa labas." bored kong sabi. Tumigil s'ya sa pagkain.

"Sabay na tayo, pupunta din ako sa dorm ko." sagot n'ya kaya tumango nalang ako.

Nagpunta ulit ako sa sala. Di ko hobby ang tumitig sa mga taong kumakain. I then wrote a letter for the others saying that I and Ace were out and the breakfast is already at the table.

The Academy's Cold Hearted PrincessWhere stories live. Discover now