Chapter 24

2.9K 148 4
                                    

Dedicated to: viendrake

-PART 3-

WARNING: RATED V FOR VIOLENT CONTEXT. NOT FOR UNDERAGE. Heh. Susunod ba naman kayo?🤣

***

ORANGE/JOSH PATRICK

Hirap kaming makahinga lahat. Pangalawa na 'to. Sinong mag-aakalang magagawa ng isang napakagandang babae ang mga bagay na ganito?

Bumagsak sa lupa ang naiwang katawan ni Dianne habang patuloy parin sa paggulong ang ulo n'ya sa lupa hanggang sa maging abo. Halos napahinto kaming lahat sa pagtakbo at nagsibagsakan isa-isa sa lupa. Nahugot ng iba ang mga hininga nila at pahirapan itong ibinuga.

"C-Cassidy.. tama na yan. P-Pangatlo mo na yan ngayong araw.." hirap na sabi ni Lance kaya sabay na napalingon kaming dalawa ni Jin sa kanya. Pangatlo na n'ya ngayon? Sino ang una?

Kapwa kami natigilan ni Jin nang may maalalang pag-uusap kanina.

"K-Kung nakita n'yo ba si Greta."

"Isa lang tanong n'yo, dalawang sagot ibigay ko; Good news or bad news? Pili."

"Bad news."

"Nakita namin."

"Good news?"

"Napatay namin."

"Sinong p-pumatay sa kanya?"

"Same parin, Good news or Bad news?"

"G-Good news."

"Nandito."

"Bad news?"

"Ako."

S-Si Greta ang unang biktima n'ya? Paano nangyari yun? Isa sa mga Heneral si Greta sa Manor at kahit kami e hirap kalabanin s'ya!

"Oh.." narinig naming sabi nung Cassidy bilang tugon. "The number is odd.. have to make it even.." tunog walang kaluluwa nitong dagdag. Walang-wala talaga 'to sa sarili. Himala ngang nakaka-usap pa ng maayos kahit ganito na inaabot ng ginagawa n'ya. Di naman kami makapaniwalang napatitig sa kanya.

"This is the scariest and terrifying shit I've been through and seen in my sole existence.. fuck it." rinig naming mura ni Jeff na sinegundahan naman ng thumbs up ni Melvin na parang di na makahinga ng maayos, hirap magsalita.

"Hoy ikaw!" sigaw ni Jace kay JC na parang natuod na ata sa kinatatayuan. Galit man ako sa kanila, hindi ko naman ginustong ganito ang aabutin nila. Kung alam ko lang, sana mas hinabaan ko pa pasensya ko kanina.

Magkakasama na kami noon pa. Simula nung dinala kami dun sa Manor, naging kasangga namin noon ang isa't-isa.. hindi ko lang alam kung anong nangyari sa kanilang tatlo at nag-iba ang trato nila samin. Sinusubukan din nila kaming isumbong kina Victoria para maparusahan kahit wala naman kaming ginagawa. Parang gusto nilang paboran sila ng mga ito. Lumala pa nung nagkasagutan kaming lima na naging resulta ng paglalaban nina JC at Jin, at di matalo ni JC si Jin.

Kaya nga din di kami makuhang patayin nila Greta, may pakinabang pa kami sa kanila. Tulad nalang ng pagnanakaw ng mga mahahalagang ari-ari-an ng mga mararangyang Mages. Ang huling pinakamahalagang bagay na nakuha namin ay isang itim na batong hugis puso galing sa pamamahay ng isang Duke sa kaharian ng Light Crystal. Hindi namin alam kung ano at para saan yun pero nung naibigay namin yun kay Hector sa utos ni Greta, tuwang-tuwa s'ya to the point na nagdaos s'ya ng pagdiriwang. Sa kasagsagan naman ng pagdiriwang na yun, ni kahit isang beses, di n'ya yun binitawan.

The Academy's Cold Hearted PrincessWhere stories live. Discover now