Chapter 11

4K 190 14
                                    

CASSIDY LEIGH ANDREI

Nandito kami ngayon sa mall ng Academy. Malaki ito at ngayon ko rin napag-alamang may Hospital at Plaza rin pala dito.

Ano ba talaga 'to? School or Mini City?

Kung sa bagay, di namin nalibot ang kabuuan ng Academy nung first day dahil sa mga fan girls nina kuya Lance. Nandito ako ngayon sa isang bookstore. Mahilig ako sa mga books lalo sa mga genreng Mystery at isa na dun yung kay Sherlock Holmes by Sir. Arthur Conan Doyle. Maganda yun kaya lagi ko yung binabasa nung nasa mortal world pa kami. Naghahanap ako ngayon ng librong bibilhin. Yung mga asungot naman di ko alam sa'n nagpunta. Bahala sila.

Nang makahanap na ay dumeretso na ako sa may counter.

Iba nga pala ang pambayad nila dito. Points or nakuha mong grade na ineencode din mismo ng Adviser mo matapos makuha ang score sa performance mo sa klase. Pero bago lang ako e kaya may extrang points ako, nakalagay ito sa isang card na i-su-swipe lang at yun. Bayad ka na.

Nang matapos ako magbayad ay lumabas na ako ng bookstore. Yung walo namang hinahanap ko kanina e nasa harap ko na ngayon. Parang gusto nilang mangagat at mangatngat sa mga itsura nila.. ihahanda ko na ba yung mga collar and leash nila?

-_____-

Ano na naman kaya ang problema ng mga 'to?

"What's wrong?" malamig kong tanong sa kanila.

"Wal —" di na nila natuloy ang sasabihin nila nang magsalita ako.

"Subukan n'yong sumagot ng tulad nung kanina, babalatan ko kayo ng buhay." banta ko at mukhang gets naman nilang tototohanin ko.

"Naunahan kami sa computer shop." sabi ni kuya Jhules habang nakasimangot.

"Gago ka kuya kala ko ano."

"T-Teka nga, tama ba yung narinig namin? 'Kuya'? Pa'no mo naman s'ya naging kuya?" tanong ni Mel. Nga pala, Mel na ang tawag ko sa kanya. Masyadong mahaba ang Melvin.

Sa kay kuya Lance naman, di ko mapigilan bibig ko e kaya kuya nalang talaga. Maging kay kuya Jhules e kuya nalang din. Wala akong alam na ibang itatawag e. Kahit nga siguro Paa nalang ay bagay din sa kanya.

Pwede ring Pink Boxer nalang.. pwedeng-pwede. Mukha s'yang boxer shorts. Tss.

"Yeah, kuya ko s'ya. Angal? " sabi ko.

"Di naman kayo magkapatid. Ba't ka nagkukuya sa kanya and you have the same age as him." sabi ni Ray.

"Yep, same age but different birth dates. Mine is May 3, Jhules May 4 and hers', May 5. kuya rin tawag n'ya sakin dahil mas matanda ako ng dalawang araw sa kanya." share lang ni kuya Lance.

Gusto ko ng umalis dito.. pa'no ba naman.. Maraming tao ang nakatingin samin!

"Magkasunod kayong tatlo ng birthday?" sabay sabi nilang anim. Ano 'to choir? Ge punta na kayo dun sa gitna, ako magbe-beat. Tss.

"Yeah." sagot ko.

"5 ka?" tanong ni Ray.

"Isa lang — Yeah." tugon ko nang samaan n'ya 'ko ng tingin. Pft, stupid. Kakasabi lang e, itatanong na naman?

Unli?

"May?" tanong ni Jake kaya napabaling ako sa kanya.

"Yeah."

"17 years old ka na?" tanong naman ni Mel.

"Yeah.." bored kong tugon.

Mauubos na ata laway ko walanghiya.

The Academy's Cold Hearted PrincessWhere stories live. Discover now