Chapter 19

3.3K 159 12
                                    

CASSIDY LEIGH ANDREI

Gabi na nang magsawa ako sa pambubugbog kay Jace. Malapit na ang hapunan kaya binatawan ko na rin s'ya. Sa sobrang inis ko sa loko, nung patayo palang s'ya e sinipa ko agad pwetan n'ya kaya nagkandatumba-tumba ang letse.

Buti nga.

Kung di lang talaga ako inawat nung iba, baka nilalamayan na ang kinginang yun ngayon. Nabitin din ako sa ginawa ko. Di pa ubos inis ko at balak ko pa sanang dagdagan pa ng konti ang mga pasa n'ya kaso nung sinundan ko s'ya sa loob ng kwarto na para sa kanya e pinigilan na agad ako nung iba. Sana pala di ko na sinimulan at binitawan. Naadik ako sa panununtok e.

Maling tao pinagtripan n'ya pero tamang kamao ang tumama sa kanya. Ulitin n'ya pa, sasali na pati paa ko — makikita n'ya talaga hinahanap n'ya.

Sa oras ng hapag naman e parang may lamay imbes na pyesta. Napakaraming pagkain ang nakahain sa mesa pero wala ni isa ang nag-unahang kumuha ng kahit anong putahe. Yung mata ko naman e nakadead lock kay Dreiloc na nasa harapan ko lang.

Tibay ni loko, nakatayo pa. Kung ganitong uri ng pagbabantay lang rin naman pala ang gagawin n'ya sakin, salamat nalang. Uuwi talaga s'yang bugbog sarado sa harapan ng Headmaster n'ya.

Narinig ko din kina kuya Lance na napainom na nila ng gamot si Jace kaya mas mabuti-buti na raw pakiramdam nito.

Tatlong ribs, bali at ilan pang internal organs ang napuruhan but thanks to the 'newly acquired' medicine nila dito, agad daw naghilom. I fucking feel so dissatisfied that I want to beat him again for another round. Round one lang yung kanina, may pa-round two pa 'ko.

"Uulit pa ba?" labas sa magkadikit kong ngiping basag sa katahimikan. Nagsi-ayos naman sila ng upo lahat. Siniko naman ni Ray ang katabing si Dreiloc. "Walang sasagot?" tanong ko ulit. Humigit naman ng malalim na hininga ang pinapatamaan ko.

"H-Hindi na."

Tsk. "Sasagot din pala pinaabot mo pa sa lima ang salita ko." bato ko sa kanya ng table napkin na mabilis n'ya namang sinalo habang nakanguso.

Tadtarin ko yan e. Kala n'ya ba kina-cute n'ya yan? Oo na pero di ako aamin. Tangina n'ya parin.

Matapos nun e bumalik na sa dating awra ang paligid. Nag-iingay na sila na ikinabuntong hininga ko naman. Dapat talaga hindi pinapatahimik ang mga lalake. It's in their nature to be loud. Mas kabahan kayo pag tahimik yan, yan ang mga lokong may balak. Take Jace for an example. S'ya lang tahimik kanina e, s'ya din pala may pakana nung nangyari.

Napala n'ya? Pasa. Ano pa ba.

-____-

May isa pa 'kong example, yung katabi ko ngayon. Yung umiyak kanina. Grabeng ngawa din naman talaga ang ginawa nitong loko. He looked like a retarded child at dahil nga 'special case' di ko makuhang sapakin. Baka makasuhan ako ng child abuse. If I'm not mistaken, I'm older than him by 4 months. I'm 17 while he's still 16 years old.

Can you believe that? No? Same. Ang tangkad e. Pakshet.

Siniko ko si Alas dahil antahimik n'ya — not that he's really loud but para s'yang tangang nakatingin lang sa plato n'yang walang laman.  Nakahawak pa nga ito sa kutsara at tinidor but he's not moving at all.

Is he fucking eating an invisible food?

"What the fuck are you doing?" bulong ko dito. Napaayos naman ito ng upo bago tumingin sakin. Nagkatitigan pa kami bago n'ya ulit ibinalik ang tingin sa plato n'ya. Lakas ng topak ng isang 'to pramis. Bumaling naman ako sa isa pang katabi ko, si Melvin.

"Mel.."

"Hmm?" lingon nito sakin.

"What's wrong with him?" bulong ko sa kanya sabay turo kay Alas na ganun parin ang itsura. Natawa naman s'ya. "Bakit?" tanong ko ulit.

The Academy's Cold Hearted PrincessWhere stories live. Discover now