Chapter 29

2.9K 139 19
                                    

CASSIDY LEIGH ANDREI

Por Dios por Santo.

Yan ang mga paunang salita na nabitawan ko nang lingunin ko ang kung anong punyeta 'tong humahabol sakin. Galingtek lang naman. Parang kanina lang dalawa pa paa n'ya ah; ngayon naging anim na potangina.

Takbo lang ako ng takbo sa hallway nitong Dorm. Kung tutuusin, pwede ko namang harapin dito yung lintek na ala-gagamboy na nasa likuran ko e, kaso nga lang, maraming pwedeng masira at kung merong madaming sira dito sa dorm, saan matutulog ang mga estudyante? Tsaka ayokong madamay sarili kong room.

Katakataka pa ba yun?

-_____-

"Saan ka pupunta~" masayang sambit ni kuyang may sayad sa sentence na dapat sana e patanong. Ano ba naman yan, question mark lang di kayang gamitin. Amp.

"Play with me~" wika n'ya na naman.

"Aren't I? Ikaw taya kaya nga hinahabol mo 'ko ngayon diba?" sarkastiko kong tugon sa kanya habang panaka-nakang lumilingon sa likuran. Mahirap na't baka bigla 'tong mawala ata nasa ulunan ko na pala.

Bumalik ako sa pagko-concentrate sa pagtakbo at minuto lang ang itinagal nang makita ko na ang entrance at exit nitong dorm quarters. Mabilis kong sinwipe yung ID card ko sa gilid at matagumpay na nakalabas. Kahit naman na nakalabas na 'ko e hindi ibig sabihin nun wala nang humahabol sakin kaya ito, another stage ng habulan na naman hanggang sa nakita ko na ang mga pigura ng.. isa, dalawa, tatlo— ah basta tao. Sila Jace!

-_____-

"Palibutan n'yo!" I shouted at sabay-sabay silang nagsigalawan at dahan-dahang gumawa ng bilog nung makapasok kami nung humahabol sakin. Di rin ata nito inaasahan ang naging pagsigaw ko kaya huli na nung mapahinto s'ya sa mismong bilog na ginawa ng Royalties at nung iba pa. Marami-rami sila kaya may kalakihan ang nagawa nilang bilog. Nasa labas naman ako.

"Ikaw!" duro nung may sayad sakin. Tumaas naman kilay ko habang naghahabol konti ng hininga. Kapagod tumakbo peste.

"Oh?"

"How dare you set a trap for me!"

"Then that shows how stupid you are. Wag mong isisi sakin." I said in a 'duh' tone. "Your stupidity is none of my business okay?" dagdag ko pa. He narrowed his eyes into slits as he stared at me habang nakatingin lang ako sa kanya ng blangko. Kahit na blangko lang ginagawad ko sa kanya, sa loob-loob ko, nasusuka na natatawa talaga ako sa itsura n'ya. Sino ba namang hindi, lower-half of his body look like spider's, upper part was a human's but the head part e sa gagamba parin and he kept the motherfucking hair. Akala n'ya ba ikinagwapo n'ya yan? Gago mukha s'yang gagambang nagko-costume bilang tao.

-____-

"Kayo na bahala jan." sabi ko habang naghahabol parin ng hininga. Gago, di na talaga ako tatakbo. Magpapaturo nalang ako kay Kuya Jhules kung papaano magteleport o di kaya ang gumawa ng portal kay Jace (kung pwede) para sa pansarili kong dahilan.

Nang kumalma na 'ko, dun ko lang inilibot ang tingin ko sa mga kasamahan ko ngayon. Maliban sa mga Royalties, HM Len, at Jace, may apat na bagong mukha din akong nakita. Ito ata ang mga Elite ng DMA. Pinasadahan ko sila ng tingin isa-isa hanggang sa nilingon ako nung isa sa kanila. Lumampas naman ang tingin ko dito sa katabi nitong si Jace na inaayos ang magulo n'yang uniporme.

'Mukhang tukmol talaga tsk.' nasabi ko sa isip ko at binaling ang tingin dun sa nilalang na nasa gitna. Kasalukuyan itong nagpupumiglas sa mga ugat na tumubo sa lupa dahil sa pagkontrol ni Rhea. Kung ginagamit lang naman ng lalakeng 'to utak n'ya, kesehodang ilang ugat at baging pa pumulupot sa katawan n'ya, makakawala s'ya jan dahil kaya n'yang makapagshape shift at pwede n'yang gayahin ang itsura ng isang langgam.

The Academy's Cold Hearted PrincessOnde histórias criam vida. Descubra agora