Chapter 21

3.1K 152 7
                                    

CASSIDY LEIGH ANDREI

"Wow ang ganda!" rinig kong sabi ng isang boses. Letse naman. Di n'ya ba alam na may natutulog dito?

"Pwede bang ngumanga ka nalang pag namamangha ka?" inaantok kong reklamo.

"Ay. Sensya na Cassidy HAHAHA maganda kasi e. Paano mo ba 'to nagawang ayusin?" tugon nito kaya napamulat ako. Ano ako? Construction worker?

"It's not me. Wag kang assuming." simple kong sagot saka pumikit ulit. Nasabi ko na bang buhat-buhat ako ngayon ni Jeff? Piggyback ride.

"Hoy Cassidy, bumaba ka na muna. Mukhang nabibigatan na yang si Miller sa'yo." sabi ni Jake. Para namang nabababuyan na ata 'to sakin.

"Oh, narinig mo?" baling ko sa nagbubuhat sakin.

"Malamang." tugon ni Jeff at ibinaba nga ako.

"Salamat."

"Mm.. anything." sabi n'ya sabay gulo sa buhok ko.

Bad.

Sinamaan ko s'ya ng tingin at yung loko naman, binelatan lang ako. Tangina. Mahatak ko lang talaga yang dila mong gago ka, tignan natin kung hanggang saan aabot yang apog mo.

Hahakbang palang sana ako para lumayas nang halos matumba ako. Letse. Buti nalang talaga may sumalo sakin. "Whoa there, easy lang." sabi nung boses. Kahit nakapikit, alam ko na agad kung sino yung may-ari.

"Itigil mo nga yan, para kang nagpapa-amo ng kabayo e." tugon ko. Tumawa naman s'ya. Langya din talaga ang isang 'to oh. Matsambahan ko lang ulit, di ko na s'ya bibitawan pang nakahinga. Sinasabi ko.

Umayos kami ng tayo pero langya ulit, niyugyog ako ng mokong! Punyeta. "Umayos ka nga, para kang lasing." sabi n'ya.

"Papaanong hindi? Tignan mo nga ginagawa mo ulol! Imbis mawala ang antok ko parang matutumba nalang ulit ako dito ng wala sa oras!" singhal ko. Tumigil naman s'ya pero ako, sa kamalas-malasang pangyayari nga naman oo, nasubsob ako sa dibdib n'ya. Yawa. Ansakit ng ilong ko!

Sino bang may sabing patigasin nito ang dibdib n'ya?

Hay.

"Nako ka, ano bang pinaggagagawa mo't inaantok ka ng ganyan?" tanong n'ya.

"Ewan, sa tuwing gagamitin ko yung isa sa dalawang weapons ko, inaantok ako pagkatapos." tugon ko sabay ayos ulit ng tayo.. at nalugmok ulit ako sa dibdib n'ya. Putangina di ko na talaga kaya.

"Hoy. Wag mo 'kong gawing unan!" saway n'ya sabay lapat ng isang kamay sa ulo ko. "Para kang bata. Napakapandak." dagdag n'ya pang palatak. Tumingala naman ako sa kanya.

Untog ko kaya ulo ko sa bibig n'ya no? Makakapagsalita pa kaya s'ya ulit? Sana naman hindi na. Napaka-ingay.

-_____-

"Di ako pandak okay? Sadyang matangkad ka lang. Tsaka it's a matter of perspective. Pag may taong sa tansya mo ay mas maliit sayo, masasabi mong pandak s'ya pero pag may taong mas matangkad pa sa'yo, masasabi mong mas maliit ka kaysa sa kanya." sabi ko sabay dunggol ng malakas sa dibdib n'ya gamit ang ulo ko kaya napa, "Aray!" s'ya. Sinadya ko talaga yun. Wag mag-alala.

"Teacher ka ba?" natatawa n'yang pangangaslaka.

"Utak lang po at common sense ang ginamit ko. Di mahirap gamitin yun kung meron ka." sabi kong nakalugmok parin ang mukha sa damit n'ya. Ambango ni loko peste.

"What are you two doing?" sabi ng isang boses na galing sa likuran. Si boy ngawa. Alas, the one and only.

"Natutulog."

The Academy's Cold Hearted PrincessWhere stories live. Discover now