Chapter 25

3.2K 164 19
                                    

JAY DRAKE

2 weeks.

Halos 2 weeks na naming di nakikita si Cassidy! Nasaan na ba ang babaeng yun?! Huling kita namin e nung last week pa, Monday morning at pagdating ng hapon, di na s'ya nagpakita pa sa klase! Hanggang ngayong lunes na naman, wala pa rin!

Pinupuntahan namin sa dorm n'ya araw-araw pero wala din. Pinakamaaga na nga naming punta dun mga 04:30, wala parin at kahit nga mga 12 ng hating gabi, wala parin! Ngayong umaga nga lang 4 kami nagpunta sa dorm n'ya, at yun parin ang resulta. WALA.

"Nasaan na ba yun? Huhuhu." atungal ni Jhules. Nandito kami sa treehouse dahil maaga pa naman, 5 am. "Magto-two weeks na Lance, hindi parin natin s'ya nakikitaaaa. Patay tayo kay lolaaaaa!" pagkwelyo nito sa pinsan at paulit-ulit itong yinugyog. Nagkandaduling-duling naman si Lance kaya pinagtulungan naming ilayo s'ya kay Jhules na umaatungal na naman!

"Pwede ba, manahimik ka nga!" saway ni Ray. S'ya at si Jeff ang may hawak kay Jhules at kami naman nina Melvin at Jake kay Lance. Si Ace naman nasa gilid lang, nagbabasa ng libro. Napakachill.

"Rayyyyyy, patay kami kay lola pag nawala yun HUHUHUHUHU." atungal na naman ni Jhules at yumakap na kay Ray. Di naman maipinta ang mukha nung huli at sinusubukang tanggalin ang nakalingkis na lalake sa kanya. Tawang-tawa naman kaming natira.

Ayaw na atang mabuhay ni Jhules. Natripan si Ray e. High blood yan parati, kay Cassidy lang naman matino kung makipag-usap yan.

"Hoy, anong ginagawa n'yo?" tanong ng kakarating lang na Alexis, kasama n'ya naman sina Sunshine at Rhea. Sila ang huling tatlong myembro ng Royalties, kababalik lang nila last week at gusto sana naming ipakilala sa kanila si Cassidy kaso nga lang, di namin s'ya makita.

"Ano pa ba, edi umatungal na naman dahil di makita yung kababata n'ya." humihikab na sagot ni Melvin na nagising dahil sa iyak ni Jhules. Binato n'ya ito ng unang gamit n'ya at sumakto nga yun sa likod ng ulo ni Jhules.

Ngumanga naman si Jhules para sana umatungal na naman nang paslakan ni Sunshine ang bibig nito ng sandwich kaya wala s'yang nagawa kundi ang ngumuya nalang. "You shut up nga. You're so nakakarindi okay? Like a crying biik." conyong saway nito.

"Hindi parin ba s'ya bumabalik sa dorm n'ya? Imposibleng makalabas yun dito sa Academy. Liban nalang kung binigyan s'ya ng misyon ni Auntie Len ng mag-isa." sabi ni Alexis kaya natigilan kami.

Misyon? S'ya lang mag-isa? Mas lalong hindi pwedeng mangyare yun!

"Alexis, wag kang magsalita ng ganyan. Huling misyon namin na kasama s'ya, di maganda naging resulta.." saway ni Jake sa kanya. Nagtaka naman ang sinaway.

"Oh? Ano bang nangyare?"

"Jusko, paniguradong ayaw n'yo ng malaman!" sabat ni Jhules. Napataas nalang ang kilay nila Alexis at Sunshine habang si Rhea naman e busy sa pagnguya ng sandwich at prenteng nakikinig lang sa usapan.

"Alam n'yo ba ang mga lugar na gusto n'yang puntahan?" biglang tanong nito. Napa-isip naman kami.

"Bukod sa classroom at library, cafeteria at dorm lang talaga ang bagsak n'ya. Di naman yun lakwatsera. Masyadong tamad maglakad ang isang yun. Kung pwede nga lang daw s'yang lumipad, aaraw-arawin n'ya na." palatak ni Lance.

Tumango-tango naman si Rhea sa narinig. "Wala na ba talagang iba?" pahabol n'ya pang tanong kaya napa-isip na naman kami. Parang  sumasakit na nga ulo kakaisip ng mabuti e. Saan ba pwedeng magsuot ang isang yun?

"Maybe she doesn't want to see any of us.." sabi bigla ni Ace. Napatingin naman kami sa kanya at ganun din s'ya samin. Binaba n'ya na ang kanina n'ya pang binabasa na libro.

The Academy's Cold Hearted PrincessWhere stories live. Discover now