Chapter 12

3.8K 171 12
                                    

CASSIDY LEIGH ANDREI

Nagising ako sa isang di pamilyar na kwarto. I scanned the whole room at napansin ko ring suot ko parin yung damit ko kahapon. Pumunta ako sa CR nitong kwarto at naghilamos. May nakita naman akong nakapack na toothbrush at toothpaste kaya ginamit ko na. Pagkatapos, I tied my hair into a messy bun and lumabas na ng kwarto.

Nakasabay kong lumabas si Jeff sa isang kwarto na kinusot-kusot pa ang mata, magulo rin ang buhok nito. Parang may nakasagupa 'tong kung ano.

"Morning..?" bati ko dito.

Nabaling ang atensyon n'ya sakin at inaayos ang magulo n'yang buhok. "Eyyo Good morning~" balik nitong bati sakin. "Musta tulog mo?" masigla n'yang tanong.

"Quite good." sabi ko na nginitian n'ya ng malaki. Good mood ata ang loko. "What?"

"Wala. Saya lang gumising sa umaga na maganda agad una kong nakikita HAHAHAHA." tawa n'ya.

"Loko." nasabi ko sa kanya at tinulak ang mukha n'ya pabalik sa loob ng kwarto n'ya. "Magtoothbrush ka." huling sabi ko at nilayasan ko s'ya.

"HOY! DI MABAHO HININGA KO ABA!" rinig ko pang sabi n'ya.

"Defensive ka dre, sabi ko lang magtoothbrush ka. Wala akong sinabing mabaho hininga mo." balik ko sa kanya. "Pero ngayong sinabi mo narin, kailangan mo na talagang magtoothbrush. Mga trentang balik."

"LANGYA KA CASSIDYYYYY!!"

"Thanks."

Hay. Napakaano.

MARK RAYMOND

"Morning." someone greeted kaya sabay kaming napalingon sa nagmamay-ari nung boses. It was Cassidy.

"Yo morning.. how's your sleep?" si Jay na lumapit pa ng konti sa kanya. He's like a ball of sunshine. Sobra-sobra ang ngiti n'ya habang nakatingin kay Cassidy na humihikab. Kung di pa malinaw mata ko, iisipin ko ng kumikinang mga mata n'ya habang nakatingin sa babae.

"Quite good."

"Nga pala, ba't sumisigaw si Jeff kanina?" singit ni Jhules.

"Tanungin mo s'ya kuya. Baka ayaw n'yang ako magsabi." nakangising sagot naman nito.

"Oh?"

"HOYYYYY!" si Jeff na tumatakbo palapit sa pwesto namin habang nagsusuot ng damit. "HOY CASSIDY BAWIIN MO SINABI MO!" speak of the devil and the devil shall come. Ayan na s'ya.

Tinignan lang ito ni Cassidy habang nakataas ang isang kilay. Nagtaka naman si Jeff kung bakit din kami tahimik nang mapagtanto n'yang kasalukuyan pala s'yang nagbibihis at di n'ya pa naitataas ang zipper ng pantalon n'ya kaya nakadisplay samin ang kulay gray n'yang boxer shorts habang nasa leeg n'ya pa ang halfway done n'yang t-shirt.

"Tibay ni loko oh. Sa harapan ng babae napagdesisyunang magbihis. Gandang-ganda sa katawan dre? Proud na proud?" natatawang komento ni Melvin na kaagad ikinapula ni Jeff bago tumalikod samin sabay ayos ng hitsura n'ya.

Tawang-tawa naman yung iba habang parang wala lang kay Cassidy ang nakita n'ya.

"Tsk tsk tsk. Di ko alam na nawawala pala isip mo pagkatapos ng trentang — mph!" di natapos ni Cassidy ang sasabihin ng takpan agad ni Jeff ang bibig n'ya gamit ang isang kamay.

"Di yun okay?!" singhal ni Jeff sa kanya. "Tigil na ha?" tumango-tango naman si Cassidy na nasa bibig parin ang kamay ni Jeff. Dahan-dahan naman s'yang binitawan nito.

"Blegh." biglang reaksyon ni Cassidy. Lumapit ito kay Jhules at itinaas ang damit nito sabay pinunas sa bibig n'yang tinabunan ni Jeff.

"Ay, ano ba yan!" komento ni Jhules na nagulat din nga habang kami namang nakakita dun e kumukurap-kurap nalang.

The Academy's Cold Hearted PrincessWhere stories live. Discover now