Chapter 28

3.2K 153 34
                                    

A/n: Hi~😌✨

***

CASSIDY LEIGH ANDREI

Umaga na pero nandito parin ako sa kwarto ko imbes na umattend ng klase. Sabi ko naman e, boring yung klase ni Mr. Martin kaya ito, magkukulong ako. Maka-ilang beses na ngang nagring ang cellphone ko at sandamakmak na nga na mga messages ang natatanggap ko galing sa mga loko pero wala ni kahit isa man lang dun ang sinagot ko at nireplyan.

Ayokong magsalita at wala akong load. Bayaan na.

-___-

Nang makabalik ako kahapon galing sa DMA,  kahit ilang minuto lang di ako iniwan ni Alas. Hatak dito, hatak dun, nagkapasa pa nga ako. Ewan ko sa lokong yun, inaatake na naman ng topak. Saktong 3pm na nung makabalik ako dito sa academy kahapon kaya tapos na rin ang klase nila. Tumambay lang kami sa hide out nila na malamansyong tree house hanggang alas otso ng gabi.

Yung mga loko, ginawa pa 'kong cook buset.

At heto pa haha, kala ko yung mga Prinsipe lang ang mga loko-loko, pati rin pala yung tatlong Prinsesa tangina. Whole duration na nakatambay ako dun, it was hell hours for me. Wag na sanang maulit, ayoko na maryosep.

Oh by the way, I'm currently on bed, reading a book— which is palagi naman. Books are like my bestfriends. Call me a nerd or anything but I really like reading books. Though books I read are not educational, it's a Mystery and Thriller genre, sama narin Horror. Most of my books are all about Detectives, Murders or anything that involves police businesses and  detective works, trip ko e. The least books that I wanted to read are Romance genre. I don't like Romance that much, sama narin Dramas..

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang may biglang kumatok sa pintuan ko. Di ko naman yun pinansin at nagpatuloy nalang sa pagbabasa. Nung una, marahan pa yung katok pero nung lumagpas na sa pangatlo, mas lumakas yun na para bang gusto na nitong sirain yung pinto at nadidisturbo na 'ko dito kaya padabog akong tumayo sa higaan at lumabas ng kwarto sabay tayo sa harapan ng pintuan.

Dinabugan ko rin ng malakas mula sa loob para quits kami nung nasa labas.

-___-

"Loko ka kung sino ka man. Umagang-umaga nambubulabog ka." sabi ko at sinipa ng may kalakasan yung ibabang parte ng pinto. "Diba may klase ngayon? Ba't may baliw dito?" napalabi ako at umupo sa sandalan ng single sofa ko, hinihintay sumagot yung nasa kabila. Gusto kong makarinig ng magandang eksplinasyon galing sa hinayupak na 'to.

"Pakibuksan ang pintuan."

Ah?

"Why the fuck are you here? May pasok ngayon ah?" napapakamot sa leeg kong tugon, naiirita. Jusko naman, pagpahingahin n'yo naman sana ako. Ayokong mabwesit.

"Should be the one asking that. May pasok pero nanjan ka parin sa loob ng dorm mo. Open the door!" singhal nito at dinabugan na naman yung kawawa kong pinto. Amp. Laki ng saltik nito bwesit.

Iritado parin akong tumayo sa kinauupuan ko at lumapit sa pintuan sabay bukas dito. Di ko na din hinintay makapasok yung nasa labas at ako ng humila sa kanya papasok habang pingot-pingot ang tenga n'ya. Aba, di naman pwedeng s'ya lang ang pwedeng mangaladkad, dapat ako din. Gantihan ganun.

"Ow! Ow! Ow!" parang asong reklamo nito. "Can you stop it? Masakit!"

"Ah? Nung ako nagsabi ng mga katagang yan kahapon, pinakinggan mo ba?" ngiting sarkastiko ko sa kanya habang inilalapit dito ang mukha ko. "Asa ka." diin ko sa kanya. I saw his glare pero nginisihan ko parin s'ya. "Speak. Anong kailangan mo?" bagot kong tanong.

"Ayoko hangga't di mo binibitawan ang tenga ko." matigas n'yang sabi. Umakto naman akong nagulat.

"Oh? Really? That's fine then. Patigasan tayo pre." ngiti ko sa kanya sabay hikab. Ito gusto n'ya e. Edi pagbigyan.

The Academy's Cold Hearted PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon