Chapter 4: Unexpected First

2.4K 175 12
                                    

Chapter 4

Unexpected First

Roe Blaze POV

"The next stage will take place in the Wizzeon here in Grandeur City. The task will be killing the Wizters. Every wizters has an equivalent points: Level 1 Wizters is equivalent to 1 point, level 2 is equivalent to 3 points, level 3 is equivalent to 5 points, level 4 is equivalent to 10 points, and level 5 is equivalent to 100 points." Sabi ng announcer sa amin.

Natapos ang unang stage ng exam kanina kaya ngayon ay ini-explain na sa amin ang susunod na stage. Nakalinya kami ngayon sa harap ng Wizard King, ng mga Hari at ng mga dating champions sa entrance exam.

Nasa pinakahuling linya ako dahil ako ang may pinakamababang score sa unang stage ng exam. Limang linya ito at sa bawat linya ay mayroong 20 Wizzeans na nakapila. We arrange based on the points that we obtained in the first stage.

Binalik ko ang aking hood kaya ngayon ay balot na balot ako. Kahit ang aking mukha ay hindi mo maaninag maliban na lamang kung lalapit ka talaga sa akin para makita or makilala ako.

Wizzeon is like a dungeon in my former world. Wizters naman ay ang tawag nila sa mga monster dito. Monsters has magical power and it differs in look. Ang level ng kanilang lakas ay malalaman mo sa kaniyang presensiya. Kung masyado na itong malakas ay kaya nitong itago ang kanilang presensiya at maaring atakihin ka bigla ng hindi mo nalalaman.

"Teaming up is not allowed. You can choose anything that you'd like to use to kill Wizters. You only have 3 hours to do the task. Are you ready?" Anito.

"Yes, sir!" Sigaw nila, hindi ako sumali sa kanila.

"Open the portal!" Sigaw nito. Bumukas ang malaking pinto sa gilid namin. Nasa banda iyon ng top 20 kaya hindi ko masyadong nakikita sa aking pwesto.

"After you enter the portal, you will be already in the Wizzeon. You will start in the very bottom of the Wizzeon. You might die, you can't get out as long as the time is still running. If you win this round, you can move in the next round. If not, you can still enter the Academy."

Nakapasok na ang karamihan sa amin kaya pumila narin ako pasunod sa kanila. Habang naglalakad ako ay damang dama ko ang kaniyang titig sa akin. Napayuko ako habang naglalakad.

"Kahit ang isang ibon ay hindi mo matamaan sa una mong tira ay paniguradong hindi ka makakalabas ng buhay sa Wizzeon." Narinig kong banggit ng Hari ng Airethale. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy sa aking paglalakad.

"Goodluck!!! You can do this!" Naririnig kong naghihiyawan ang mga tao sa paligid. Ang huling linya na kasi ang papasok, ang pinakamahina sa 100 wizzeans na nakapasa sa unang stage.

Itinago ko ang aking ngiti, kung kami ang pinakamahina ay ano na lamang ang mga natalo at umalis sa unang stage pa lang?

Even if I will lose in this round, I can still enter the Academy. That would be enough for me.

Ako ang pinakahuling pumasok sa portal. Sa aking pagdating sa Wizzeon ay wala na ang halos karamihan, nakikita ko ng naglalakad ang mga huling pumasok upang humanap ng mga Wizters.

Napansin ko ang maliit na bee na palipad-lipad sa aking harapan. Hindi ko iyon pinansin at nagsimula na akong maglakad.

Mayroong sulat na palipad-lipad sa aking harapan. Doon nakalalagay ang oras at kung sino ang mayroon ng points.

Wizardry Reincarnation (Boyslove Fantasy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon