Chapter 19: Tournament

1.7K 118 8
                                    

I do not proofread. This chapter is unedited.

Chapter 19

Tournament

Roe Blaze POV

Fifteen years old, Roe.

Hindi ko na mabilang kung ilang taon na akong narito. Simula nang mamulat ako sa mundong ito ay manghang-mangha parin ako. Mamayang hapon ay magpapatuloy ang aming ensayo ni Alexander sa gubat. Ngayon ay umaga palang kaya nasa Library ako ngayon.

Hindi ako nagbabasa ng libro gaya ng nakasanayan. Kausap ko ngayon ang alitaptap at nag e-ensayo kami kung paano gamitin ng mahusay ang aking mahika.

"Subukan mo ngang gamitin ang iyong mga mahika." Saad niya, nagpalipad lipad siya sa aking harapan.

Tinaas ko ang aking kanang kamay at tinuro iyon sa librong nakalagay sa lamesa. Pinalipad ko iyon gamit ang aking mahikang hangin.

"Ngayon naman ay subukan mo ang tubig." Saad niya.

Tumango ako at sumunod. Gaya ng ginawa ko kanina, inipon ko ang asul na usok na nakikita ko sa paligid at gumawa ng bilog na tubig. Katamtaman lamang ang laki nito upang magpalipad sa aking palad.

"Subukan mo ngang ipatama ang tubig na iyan sa punong nasa labas." Saad niya, utos niya sa akin.

Sinunod ko naman iyon at lumapit sa bintana ng library. Galing sa bintana, nakalipad parin ang tubig sa aking kamay, nakaharap ang aking palad sa punong dapat patamaan. Pinunterya ko ang katawan ng puno at binigyan ng pwersa ang tubig na nasa aking palad upang tumama ito sa puno.

Nagtagumpay ako sa aking ginawa at tinamaan ko nga ang puno. Nagulantang ako ng makitang nawala ang kalahating katawan ng puno at ang natira na lamang dito ay kalahati ng kaniyang katawan na nakabaon sa lupa. Alam kong masyadong malakas ang aking mahika ngunit hindi parin ako masanay-sanay dito. Manghang-mangha pari  akong nakakagamit na ako ng mahika.

"Ngayon naman ay gamitin mo ang iyong mahikang lupa upang maibalik sa dati ang punong iyon. Kailangan na hindi mo ito lapitan o mahawakan. Kung saan ka nakatayo ngayon ay doon mo gagamitin ang iyong mahika." Saad niyang muli.

Ginawa ko naman ang kaniyang iniutos. Nakatayo ako sa bintana habang nakatingin sa punong putol ang kalahati. Nakita ko sa aking mga mata ang pagsilabasan ng iba't-ibang usok sa paligid. Pinili ko ang kulay berde sa iba't-ibang kulay na nasa paligid. Gamit ang imahinasyon ko ay inutusan ko ang mga berdeng Waves na pumunta sa puno upang maibalik ito sa dati.

Nagtagumpay naman ako. Naibalik ko sa dati ang puno ngunit mas malaki na iyon kaysa sa dati nitong anyo. Mabuti na lamang at walang kawal sa paligid ng ginawa ko iyon. Walang nakakita sa paggamit ko ng aking mahika.

"Ngayon naman ay gamitin mo ang iyong apoy na mahika." Bumalik kami sa dati naming pwesto. Umalis sa harapan ng bintana upang walang makakita sa aming ginagawa.

"Kailangan mong magpalabas ng apoy sa iyong palad at kontrolin iyon upang pumalibot sa iyong katawan." Nakatingin ako sa alitaptap na nagsasalita sa aking harapan, tumangon ako ng matapos siyang magsalita.

Nagpalabas ako ng apoy na bola sa aking kanang kamay. Gamit ang mga pulang Waves sa aking paligid ay inipon ko iyon patungo sa aking mga palad. Nang makabuo ako ng bolang apoy ay sinunod kong palibutan ng apoy ang aking katawan. Naunang napalibutan ng apoy ang aking kanang kamay patungo sa aking balikat. Hindi iyon mainit gaya ng normal kong maramdaman sa apoy, malamig lamang iyon kaya hindi ako napapaso.

Wizardry Reincarnation (Boyslove Fantasy)Where stories live. Discover now