Chapter 30: Purpleheart Eyes

1.5K 109 31
                                    

I do not proofread. This chapter is unedited.

Chapter 30

Purpleheart Eyes

Roe Blaze POV

Nagising ako kinabukasan na masakit ang ulo. Tinignan ko ang aking mukha sa salamin. Kitang-kita roon ang mugto ng aking mga mata. Medyo magulo din ang mahabang ginintoang buhok. Sinuklay ko iyon gamit ang aking mga daliri.

Bumaba ako at lumabas sa aking kwarto. Nakikita ko sa labas na mataas na ang sinag ng araw. Sa tingin ko ay sobra ang aking tulog sa araw na ito dahil ang araw ay malapit ng pumagitna sa kalangitan.

Mabuti na lamang at wala namang kaming klase ngayon dahil tiyak kong late ako kung meron man.

Pumasok ako sa kusina, doon nakita ko si Adolphus na nakaupo sa isa sa mga upuan. Nakatingin sa pagkaing nasa kaniyang harapan. Sa tingin ko ay hinanda niya iyon para sa kaniyang sarili.

Hindi niya ako nilingon o pinansin man lang kaya nagpatuloy na aki sa pagkuha ng tubig upang uminom.

"Gising kana pala." Saad ni Adolphus. Nakatalikod ako sa kaniya ng magsalita. Agad ko naman siyang nilingon.

Hindi ako nagsalita at tinignan lamang siya. Nanatili ang kaniyang tingin sa pagkain sa kaniyang harapan. Nakikita ko ang pag-igting ng kaniyang panga. Sa tingin ko at galit siya ngayon at hindi maganda ang mood.

"Pumunta kanina dito si Summer... Sinundo si Damien at sabay na silang pumasok ngayong araw." Saad niyang muli sa mababang boses.

Hindi ko alam kung bakit pa niya iyon sinabi sa akin. Sinawalang bahala ko iyon kahit na nababahala ako doon. Bumalik ako sa aking kwarto. Hindi pa ako sanay na kasama si Adolphus sa iisang lugar.

Kahit na hindi ko naman siya sinisisi at kahit na hindi naman ako galit sa kaniya, naninibago parin ako sa kaniyang mukha at kinikilos.

However, there will always be a gap between us. No matter how I tried to be friend with him, I just can't let my guard down. Lalo na't ngayon palang ang muling pagkikita naming dalawa.

I have decided to build a wall in myself between other people. Except for one person, Damien. I need to settle things between the both of us. I must at least let him know. My goal is only to inform him, not to change his current life.

As far as I remember, we marked each other. But I don't know if my mark with him is still effective and his mark on me is still here. He might have changed the person he marked within those years.

Lumabas ako sa mansion. I have decided to go visit the training ground to watch over my classmates. It is one of my duties as a winner pero sa tingin ko ay palpak ako dahil late ako ngayong araw.

Agad akong nakarating sa training ground. Pinagtitinginan pa ako ng klase ngunit nagpatuloy ako sa pagpasok doon. Nagkalat sila sa training ground, kung saan ang bawat isa ay nag e-ensayo ng kaniya-kaniya, at iba ay mayroong pares upang makapag ensayo ng maigi.

Malawak ang field ng training ground. Para itong gymnasium dahil sa bubong nito at parang arena naman dahil sa mga upuang nakapalibot sa taas na parte nito.

Agad kong nilibot ang aking paningin sa loob. Nagsimulang maglakad at tinignan bawat isang estudyante.

Ngayon ko pa lamang nakita ang bawat kakayahan ng mga kaklase ko at sa tingin ko ay mayroong pang wala rito kaya hindi ko sila makikita ng lahat.

Wizardry Reincarnation (Boyslove Fantasy)Where stories live. Discover now