Chapter 31: First Examination (Part One)

1.5K 124 13
                                    

I do not proofread. This chapter is unedited.

Chapter 31

First Examination (Part One)

Roe Blaze POV

It was very stressful day for me. Kulang ako sa tulog at late ako sa araw na ito. Medyo wala rin ako sa mood dahil sa sinabing sinundo daw ni Summer si Damien kaninang umaga. Hindi pa nga ako nakakain sa umagang ito at ngayon naman ay pinapagalitan na ako ni President Inoichi.

"Why are you late in the first place?" It was the President of the Student Council, Inoichi Tadashi.

"I slept very late last night." Tanging sagot ko sa kaniya.

"I get that since everyone last night were enjoying in the banquet while I'm here doing my work and reading papers." Nasa opisina na niya ako ngayon. Para bang may iba pa siyang pinapahiwatig sa sinabi niyang iyon. Gusto ko sanang sabihin na hindi naman ako pumunta doon pero hindi ko nagawang magsalita dahil nagsalita siyang muli.

"Why the heck this happen then?" Saad niyang muli. "This is one of your responsibility as part of the council. You need to make sure everything is okay within your classmates." Dagdag niya.

"I hope this won't happen again." Saad niya bago ako hinayaang lumabas sa kaniyang opisina.

Dinala kanina sa pagamutan si Red ng mahimatay ito kasama si Luke. Si Luke pa nga mismo ang nagbuhat sa kaniya para dalhin sa hospital ng academy. Kahit na mayroon siyang sugat ay hindi niya hinayaang hawakan ng ibang tao si Red. Nagalit pa nga siya sa akin ng inutosan ko ang isa sa mga classmates ko na buhatin si Red patungo sa hospital. Sa huli, hinayaan ko na lamang siya sa kaniyang gusto.

Lahat ata ng myembro sa council ay alam ang nangyari, umabot na din ata iyon sa ibang year. Kanina nga ay nakausap ko si Venom sa pagamutan ng dalhin namin si Red doon. Umalis naman siya agad matapos malaman ang nangyari dahil may gagawin pa daw siya.

Nagpasya akong bumalik sa mansion para magpalit. Kitang-kita kasi sa aking damit ang dugo mula kay Red, galing iyon sa kaniyang mga mata kanina.

Sa aking pagdating sa mansion ay kita kong bukas ito. Sa tingin ko ay mayroon pang tao doon. Hindi parin ata umaalis si Adolphus doon. Pero nagulat ako sa aking naabutan.

Nakaupo si Summer sa isa sa mga sofa sa living room ng mansion. Prenteng-prente siyang nakaupo doon at nilingon lamang ako sa aking pagpasok.

Nangunot ang noo ko kung bakit siya narito. Hindi ko alam na pwede palang magpapasok dito maliban sa mga winner ng entrance examination.

"We're going out for an outside mission. Damien was requested in a mission. He said I can go with him." Saad niya habang naglalakad ako sa kaniyang patungo sa kusina upang uminom sana ng tubig.

Hindi ba't kakagaling mo lang sa mission? Mission ba ang ipupunta ninyo o hindi kaya maglalandian lang kayo sa labas ng academy?

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa kusina. Kumuha ako ng tubig doon at galit na ininom. Kunot na kunot na ang aking noo. Mas tumindi pa ata galit ko ngayon.

Lumabas ako sa kusina. Sakto naman ang pagbaba ni Damien galing sa kaniyang kwarto. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa hagdanan. Si Damien naman ay tumigil sa gitna ng hagdanan, nakatingin sa aking paglalakad papalapit sa kaniyang pwesto.

Nadaanan ko pa nga ulit si Summer at nakitang malaki ang ngiti nito habang nakatingala kay Damien. Ang haliparot!

Tinago ko lahat ng aking emosyon at kung ano ang tumatakbo sa aking isipan. Blanko ang mukhang nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko pinansin si Damien ng dumaan ako sa kaniyang tabi. Ramdam na ramdam ko ang kaniyang titig at ilang hakbang palang ang nagawa ko ng makalayo sa kaniya ay nagsalita siya.

Wizardry Reincarnation (Boyslove Fantasy)Where stories live. Discover now