Chapter 7: The Spirit Guide

2.4K 176 10
                                    

Chapter 7

The Spirit Guide

Roe Blaze POV

Matapos kong mag palit ng damit ay bumaba na ako. Naabutan kong palabas na ang mga kasama ko. Naiinis parin ako dahil sa nangyari kanina na may halong sakit. Nalulungkot ako sa uri ng pagtrato sa akin ni Damien. Hindi siya ganoon dati.

Nakita kong may sumulyap pa sa banda ko nong pababa na ako sa hagdan. Sumunod naman ako sa kanila.

I have calmed myself now. Hindi ko alam kung dahil ba iyon nong nasigawan ko si Damien kanina. Pero feeling ko, nailabas ko kahit papano ang nararamdaman. Kahit katiting lamang na emosyon iyon.

Naglalakad lang kami patungo sa aming pupuntahan kaya hindi ko mapigilang hindi maiikot ang aking mga mata sa paligid. Madilim na dahil gabi pero maliwanag parin sa ang dinaraanan namin dahil sa mga magic lights na nakatayo. Ang buwan ay bilog na bilog rin at kumikinang ito kaya hindi masyadong madilim. Madami din ang mga stars sa kalangitan.

Umihip ang malamig na hangin sa gabing iyon. Naamoy ko ang pheromones ni Damien sa hangin. Mabuti na lamang at hindi ko naaamoy, nakikita, nararamdaman, at naririnig ang mga pheromones ng ibang mga tao dito maliban sa kaniya.

Mayroong mga nagtataasang mga puno sa paligid, mas mataas pa sa mga buildings ng Academy ngunit ang pagitan nito ay malawak. Napansin kong sa mga matataas na punong iyon ay mayroong mga alitaptap na nag liliparan sa mga sanga nito. Para silang mga maliliit na ilaw na kulay yellow gaya nang nagtatago sa buhok ko.

Dumating kami sa aming pupuntahan. Mansiyon ito na kulay brown. Lumang luma at ang uri ng architecture nito ay parag Roman gaya ng sa dati kong mundo. Ang naiiba lang dito ay ang mga kumikinang na salamin sa mga bintana nitong may iba't-ibang disenyo na mukhang mga hayop at mga tao.

Pumasok kami. Sa labas palang ay naririnig ko na ang maiingay na boses ng mga Wizzean. Sa uri ng ingay, alam kong nagpapalakpakan sila at naghihiwayan sa pagpasok namin.

"Yuhooo! Welcome! Welcome!" Isang maingay na lalaki ang tumayo sa kaniyang kinauupuan. Suot niya ay puting uniform na mayroong green sa bawat gilid nito. Mayroong siyang headband na puti din na mayroong tatlong stars. Ang ibigsabihin nito ay isa siyang third year.

WIZARDRY INFORMATION

Ang uniform ng students sa Grandeur Academy ay puti. Ang pinagkaiba lang sa bawat rank ay ang kulay sa gilid ng puting uniform. Mayroong headband na nakalagay sa ulo na puti din ngunit naiiba ito sa uri ng stars, pati moon at sun.

Ang first year sa Grandeur Academy ay mayroong puting uniform na may blue ang gilid. Ang kanilang headband ay mayroong isang star na kulay blue den. Ang tawag sa kanila ay Bluelight Grandeur.

Ang second year naman ay mayroong green sa gilid ng kanilang uniform. Ang kanilang headband ay mayroong dalawang stars na kulay green. Ang tawag sa kanila ay Greenlight Grandeur.

Ang third year naman ay mayroong kulay yellow sa gilid ng kanilang uniform. Ang kanilang headband ay mayroong tatlong stars na kulay green. Ang tawag sa kanila ay Shining Yellow Grandeur.

Hanggang third year lang ang iyong pag-aaralan kapag hindi mo na gustong mag-aral ng mahika at sa tingin mo ay sapat na ang iyong natutunan. Mayroong Mastery of Wizardy na year dito. Doon ka mapapabilang kapag gusto mong maging "professional" at gawing trabaho ang paggamit ng mahika. Makakakuha ka dito ng certificate na magkakapatunay na isa kang Master Wizzean at maari ka ng magsimula ng iyong adventure o magtrabaho bilang Wizard Warrior ng mga kaharian. Makakakuha ka rin naman sa First hanggang Third Year ngunit Junior Wizzean lamang iyon kaya hindi ka makakapaglakbay gamit lamang certificate na iyon.

Wizardry Reincarnation (Boyslove Fantasy)Where stories live. Discover now