Chapter 6: Roe

2.3K 168 9
                                    

Chapter 6

Roe

Ichigo Icewalker POV

"Don't you think he's weird?" Rinig kong sabi ni Yumi sa aking harapan. Nasa sala kami ngayon ng dormitory. Pinapababa ang lahat ng mga Wizzeans sa dorm para maghanda at makapunta na sa Grandeur Grand Hall para sa aming sabay-sabay na dinner kasama ang mga students ng Academy pati ang mga Grandmasters ng Academy.

Nakaupo ako sa isang sofa, kasama ko sina Wotaro, Edward at Atlas. We are the only person who sit in this one sofa. Kaming apat lang at wala ng iba. Ang ibang kasama namin dito ay nakaupo sa ibang sofa. Marami kasi ang sofa dito. Ang isa ay nakaharap sa amin kung saan nakaupo sina Yumi pati ang iba niyang mga kasama.

My blood is the same as Yumi's. Isa akong Elite. My mother is a Wizoletariat and my father is a Royalty under the Wisteria family. As an exchange for me being an Elite, I was born and raised to be Wotaro Wisteria's servant until the day I will die. We are from the Kingdom of Wisteria. Ako, si Wotaro, Yumi at ang kaniyang kakambal. Yumi and his twin is my cousins. Wotaro is my cousin too pero hindi pwedeng tawaging cousin dahil isa siyang royalty.

Wotaro Wisteria is my master, lahat ng utos niya ay kailangan kong sundin. Kailangan ko rin siyang protektahan sa abot ng aking makakaya. Kahit na ikamatay ko iyon. Gaya ng nangyari kanina. Mauubosan ako ng dugo kung hindi lang ako ginamot ni Roe. I don't want him to heal me but I was thankful that he was there.

I didn't know that he can heal though, that is why I was shocked that time. Wala siyang magical power noon. Idagdag mo pa na kasama namin siya sa entrance exam. It is known that only the Wizzean who have the blood of Nicheon can heal a person and the fairies. Fairies can heal anything pero mahirap silang mahanap. Mailap sila sa mga Wizzean kaya ang karamihan sa kaharian ay naghi-hire ng mga Wizzean galing sa Kingdom of Nicheon na marunong gumamot upang maging doctor sa kanilang kaharian.

"His long hair is creepy." Nandidiring sabi ng kasama ni Yumi.

Tumawa si Atlas. Nilingon ko siya, tumatango-tango pa na parang nakikisang-ayon sa kasama ni Yumi. Nilingon din siya nina Yumi at ng kaniyang mga kasama. Atlas is a Royalty from the Kingdom of Nicheon. Nagtawanan ang kasama nina Yumi pati si Atlas. Hindi ko narinig ang pinag-usapan nila kaya hindi ko kayang makisama sa tawanan nila.

Edward Infernom, from the Kingdom of Infernia is looking mad. Parang ayaw niya ng naririnig niyang usapan sa kaniyang harapan. Siniko ko si Atlas at tinuro ang itsura ni Edward. Agad naman siyang tumahimik ng mapansin din niya ang napansin ko.

Kaming apat ay magkakaibigan simula pa nong bata kami. It was Wotaro's idea, he introduced me his friends which is Edward and Atlas kaya naging parte na den ako ng kanilang pagkakaibigan. I was outsider here, ako lang sa aming apat ang Elite.

I know the history between Edward and Roe. It was their families and kingdom's history though. It is known by anyone here in Wizardia.

"That bitch now thinks that he's damn pretty!" Si Yumi, ang kaniyang pinagsasabihan ay si Roe. Na ngayon ay pababa na sa hagdan. Nasa harapan niya si Yami, ang kakambal ni Yumi na nakayuko lamang at nahihiyang tumingin sa mga mata ng mga taong nakatingin sa banda nila.

Lahat ng mga Wizzean sa dormitory ay nakatingin sa hagdan, sa mismong bababa na si Roe Blaze.

He is famous and labeled as the "cursed child, no pheromones, the last survivor... etc.," Marami ang tawag sa kaniya ng mga tao. Kung saan ka man mapadpad ay maririnig mo ang mga salitang ito. Kilala siya bilang batang walang pheromones at walang mahika noon. Paniguradong ang karamihan sa mga Wizzean ngayon ay gulat kung paano siya nagkaroon ng mahika. Kilala siya ng lahat ng mga Wizzean kaya makikilala siya kahit na mahaba ang kaniyang buhok.

Wizardry Reincarnation (Boyslove Fantasy)Where stories live. Discover now