Chapter 23: Grandeur's Student Council

1.7K 129 6
                                    

I do not proofread. This chapter is unedited.

Dedicated to: NiteoBleu

Chapter 23

Grandeur's Student Council

Roe Blaze POV

Agad akong lumabas nang bumukas ang pinto ng elevator. Kaagad kong napansin ang agad-agad na pagtingin ng mga students na nasa labas na sa aking paglabas sa pinto at napatingin din sa mga sumunod na lumabas sa akin. Mayroong kunting mga students na nagkalat sa hallway. Ang karamihan sa kanila ay nasa space sa harapan ng building kung saan may mga puno ng ninja tree sa gilid at sa ilalim niyon ay upuan.

Ang tahimik sa elevator kanina. Walang nagsalita sa kanila kahit isa kahit na magkakaibigan sila. Iyon ang aking pinagtaka, pero siguro dahil naroon ako kaya hindi sila makapag-ingay. Ang naririnig ko nga lang doon ay singhal ng kung sino sa likod pero ang hula ko ay si Yumi iyon.

Nasa pinakababang palapag kami ng building. Galing kami sa pangatlong palapag, kung nasaan ang hall namin. Nakita ko ang mga pangalan ng mga rooms dito kaninang umaga kaya sa pagkakaalam ko ay office ng mga Masters ang nasa pinakababa.

Agad akong humarap sa daan patungo sa northern part ng academy. Ang aming building kasi ay nasa western side ng academy. Malapit iyon sa gate ng academy na nasa southern part. Ang mga buildings naman na nasa eastern side ng academy ay buildings ng mga Masters of Wizardry. Kunti lang ang mga buildings doon ng masulyapan ko sa pagpasok dito sa academy. Hindi ko alam kung ano-ano ang nasa likod ng mga buildings doon dahil ang napuntahan ko palang ay ang likod ng building namin.

Ang mga buildings kasi sa likod ng building namin ay ang hall kung saan kami kumakain, sa tabi niyon ay ang mall at sa likod nang mga buildings na iyon ay ang tatlong mansion para sa students at ang nag-iisang mansion ng mga winners sa pinakalikod na part ng western side ng academy. Malayo ang pagitan ng mansion na iyon sa mansion ng ibang students, napapagitnaan pa iyon ng mga kahoy. Malawak din ang space sa mansion na iyon kaya masyadong tahimik doon.

Malawak ang academy. Malalaki din ang mga buildings. Ilang minuto akong naglakad sa building palang namin nang marating ko ang daan palabas sa building namin. Ilang metro pa ang nilakad ko bago ko narating ang medyo malawak na daan patungo sa northern part ng academy. Mayroon iyong mga statue sa kaliwa't-kanang parte. Ilang metro ang layo niyon, sa tingin ko ay isang statue sa bawat building. Mayroong space sa pagitan ng building namin at sa susunod na building. Ang space na iyon ay ang daan patungo sa likod na bahagi ng western part ng academy.

Dumami ang tao sa dinaraanan ko, doon ko napansin ang suot ng mga students sa susunod na building. Doon ko napagtanto na Greenlight Grandeur ang mga naroon, ang second year dito sa academy. Medyo kinabahan ako. May possibilities na andito si Damien kung hindi pa siya pumunta sa opisina ng Council. Binilisan ko ang lakad para agad na makalagpas sa building nila. Napayuko na rin ako upang umiwas sa mga tao at sa tingin nila.

Patuloy akong naglakad. Hindi ko pinapansin ang mga matang nakatingin sa akin. Lumayo ang mga students sa akin habang naglalakad ako sa daan kaya ngayon ay para akong hari na naglalakad sa gitna ng daan.

Humihihip ang simoy ng hangin. Ramdam ko sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin. Pasado alas-kwatro na at nagsisimula naring lumubog ang haring araw. Nagpatuloy ako sa aking paglalakad.

Kumalabog ang aking puso ng maradaman ang kaniyang presensiya. Lalo akong nanlamig habang patuloy na naglalakad. Lumalakas ang kaniyang pheromones habang patuloy akong naglalakad na nakayuko, hindi tumitingin sa dinaraanan. Medyo hinihingal narin ako.

Wizardry Reincarnation (Boyslove Fantasy)Where stories live. Discover now