Chapter 14: Promise

1.8K 139 14
                                    

Dedicated to: Jeromez622


I do not proofread, this chapter is unedited.

Chapter 14

Promise

Roe Blaze POV

Seven years old, Roe.

Agad kaming umalis doon dahil nakilala ng mga tao si Damien kaya agad silang sumubok lumapit sa kaniya.

Ilang oras kaming nasa labas ng palasyo. Bumalik kami sa palasyo matapos naming maglibot sa city ng kaharian ng Airethale. Hindi namin nalibot lahat ng lugar pero sapat na iyon para sa akin. Alam kong delikado lalo na para kay Damien dahil kilala siyang prinsipe ng Infernia.

Katulad ng kanina, patago kaming pumasok sa palasyo. Nagtaka ako na wala ang mga kawal sa labas. Hindi sila umaalis sa pwesto nila maliban nalang kung may nangyaring hindi nila inaasahan o may gulo.

Binuksan ni Damien ang pinto ng palasyo, nagulat kami ng bumungad ang nanay ko, ang reyna ng mabuksan ang pinto. Nakatingin siya sa amin na para bang nakikita niya kami.

"Saan kayo galing?" Halata sa tono niya ang kaniyang galit. Bumitiw ako kay Damien dahil inaasahan ko na ito.

"Lumabas kami sa palasyo. Pinilit ko si Damien na samahan ako sa labas, wala siyang kinalaman dito. Ako lang." Agad kong sagot sa kaniya, nakababa ang ulo tanda ng respeto. Nakita niya agad kami kahit na mayroong pang mahika si Damien sa aming katawan.

"H-hindi po. Ako po—" Si Damien ngunit hindi niya natuloy ang kaniyang sasabihin.

"Alam mo ba kung gaano kami nag-aalala? Kung hindi lang sinabi ni Adolphus na wala ka sa library ay hindi pa namin malalaman na wala kayong dalawa dito!" Damang-dama ko ang kaniyang galit. Hindi ako makatingin sa kaniya. Para tuloy akong batang pinapagalitan. Pero bata naman talaga ako dito sa mundong 'to.

Sa kalayuan ay nakita ko si Adolphus na nakangiti. Parang gustong-gusto niyang pinapagalitan ako ng reyna. Ang walang hiya.

"Pinalabas ko ang lahat ng mga kawal para hanapin kayong dalawa." Saad ng reyna. Kaya pala wala ang mga kawal. Grabe naman talaga mag-alala ang nanay kong ito.

"Halika ka dito, Damien." Sabi ng ina ni Damien. Dama ko rin ang galit sa boses niya. Lumapit si Damien sa kaniya, napipilitan lamang dahil nakatingin siya sa akin at gusto pa niyang humawak sa kamay ko habang naglalakad patungo sa kaniyang nanay.

Naglakad sila patungo sa loob ng palasyo. Medyo dinig ko pa ang kanilang usapan at kung paano pagalitan at pagsabihan ng kaniyang ina si Damien.

"Anong nangyayari dito?" Narinig ko ang pamilya na boses sa aking lingkod.

Nilingon ko siya, napatingin din ang reyna at si Adolphus sa dumating. He is my Uncle Aaron Airedale. Kapatid siya ng hari at prinsipe siya ng kaharian. Hindi maganda ang trato niya sa akin sa aking paglaki dito.

"Gumawa na naman ba ng kalokahan ang iyong malas at walang kwentang anak?" Sabi niya. Suot pa niya kaniyang damit pandigma, galing sa kaniyang misyon.

"Ako na ang bahalang pagsabihan siya, Prinsipe Aaron. Mga lingkod, samahan ninyo ang prinsipe sa kaniyang kwarto upang makapagpahinga siya." Sabi ng aking nanay. Pinatawag niya ang mga lingkod upang gabayan ang prinsipe. "Alam kong pagod ka kaya magpalit ka muna ng damit upang makapagpahinga ka." Dagdag niya.

Wizardry Reincarnation (Boyslove Fantasy)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora