Chapter 13: Outside

2K 138 8
                                    

Dedicated to: dearestnct

I do not proofread. This chapter is unedited.

Chapter 13

Outside

Roe Blaze POV

Seven years old, Roe.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Sa pitong taon ko dito ay nakasanayan ko nang pumunta agad sa library sa paggising pa lamang. I couldn't wait to fill my curiosity, it is the curiosity that drives me to be excited everytime I woke up in the morning.

Hindi mawala sa isip ko ang nalaman ko kahapon pero hindi nito napigilan ang aking sarili na pumunta at magbasa ng libro sa library.

I was in the middle of reading a book when a fragrant from outside of the library's door distracted me. Pamilyar ito dahil ito ang uri nang amoy na naamoy ko kay Damien kahapon.

Tinignan ko ang pintuan. Unti-unti itong bumukas at pumasok doon si Damien na may dalang pagkain.

"Magandang umaga, nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap sa buong palasyo kaya nagtanong-tanong ako. Sabi ay dito ka daw parati." Sabi niya. Ito ang unang beses na marinig ko siyang magsalita ng mahaba. He looks cute lalo na't parang nahihiya siya.

Lumapit siya sa akin at nilagay sa tabi ko ang pagkaing dala niya. Ngayon ko lang naalala na hindi pala ako kumain. It was always Alexander who always bring me food here early in the morning. Wala siya ngayon dahil sumama siya sa hari, ang tatay ko.

"Hindi ka pa daw kumain. Kaya, dinalhan kita." Sagot niya ng tinignan ko siya na hindi nagsasalita.

"Himala, ang haba ng sinasabi mo ngayon." Sabi ko sa kaniya habang nakangiti. Namula naman siya.

"Ah..." Wala siyang maisagot. Pulang-pula ang kaniyang pisngi. Napangiti ako lalo. He looks cute.

"Umupo ka sa tabi ko." I said. "Samahan mo akong kumain at magbasa nang libro." Aya ko sa kaniya.

Agad siyang umupo sa tabi ko. Tinignan ko lang siya. Nailang naman siya kaya sinabi niyang kainin ko na raw ang pagkain na dala niya. Inalis ko sa aking harapan ang libro at bumaling sa pagkain.

"Kanino mo nalaman na andito ako?" Tanong ko sa kaniya. Kumakain na ngayon nang pagkaing dala niya.

"Sa Reyna..." Sabi niya. Bumalik na naman sa dati ang kaniyang pananalita. Nakatingin lang siya sa akin na para bang natutulala.

Kaya pala ang pagkain na dinala niya sa akin ay katulad na katulad ng inahahanda sa akin ng Reyna tuwing umaga.

Wala silang gatas dito para sa bata pero mayroong silang kulay violet na parang juice. It's called Wizh Fruits, puno daw ito ng mahika kaya iyon ang kanilang pinapainom sa batang bagong panganak. Omega's nipples don't produce milk.

Natapos ako sa pagkain pero si Damien ay nakatingin lang sa akin. Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa pagbabasa. Maya-maya pa ay tumayo siya sa kaniyang upuan at nagpaikot-ikot sa loob ng library.

Napansin ko iyon. Pumunta siya sa shelves para tumingin ng libro pero maya-maya pa ay bumalik siya na walang dala. Tumayo siya sa harap ko ng ilang segundo ay maya-maya ay babalik naman sa shelves. Ilang ulit niyang ginawa iyon, kinainisan ko iyon dahil nadi-distract ako ng kaniyang amoy. Medyo humihina ito kapag lumalayo siya at lumalakas naman kapag lumalapit siya.

Wizardry Reincarnation (Boyslove Fantasy)Where stories live. Discover now