Chapter 17: Falls and Love

1.9K 134 1
                                    

Dedicated to: karosking

I do not proofread. This chapter is unedited.

Chapter 17

Falls and Love

Roe Blaze POV

Thirteen years old, Roe.

"Tama na! Pagod na ako!" Reklamo ko.

It's been months simula ng mag training kami ng combat. Ang nagtuturo ngayon sa akin sa combat ay si Alexander, ang isa sa mga punong kawal ng kaharian.

Nagsimula kaming mag training noong apat na taong gulang ako, hanggang ngayon ay tinuturuan parin niya ako dahil hindi ko pa bihasa ang ibang naturo niya at marami pa siyang ituturo sa aking estilo ng pakikidigma na walang gamit na mahika.

"Oo nga po. Magpahinga muna tayo." Si Damien, halatang pilit lamang niyang sinabi iyon kay Alexander. Gustong-gusto kaya niyang mag training, hindi ko nga lang alam kung dahil si Alexander ang nagtuturo o kasama niya ako sa pag e-ensayo.

Ilang araw nang narito si Damien, pinilit niyang sumali sa training namin ngayon. Walang nagawa si Alexander kundi pasalihin siya lalo na't pinilit ko rin siya.

"Limang minuto lang!" Napipilitang sabi ni Alexander sa amin. Nakatingin siya sa akin nang umupo ako sa ilalim ng puno. Nakatingala naman ako sa kaniya. Hindi ko kita ang kaniyang mukha dahil ang sinag ng araw ay tumatama sa kaniyang likod, tanghaling tapat na kasi.

Nasa maliit na gubat kami ngayon sa likod ng palasyo. Marami ang pwede naming pag ensayohan sa loob ng palasyo pero ngayon ay napagpasyahan ni Alexander na sa labas kami mag ensayo.

Hinipan ko ang buhok na nasa aking noo, dami ko ang patak nito sa aking balat ng ginawa ko iyon. Umupo naman si Damien sa aking tabi at mayroong kinuhang tela sa kaniyang dalang bag. Ang kaniyang nilabas na tela ay ginamit niya para pang punas sa pawis ko sa aking mukha.

Wala siyang damit pang-itaas kaya amoy na amoy ko ang kaniyang bango, lalo na ang kaniyang pheromones. Tumingin ako sa kaniyang mukha habang pinupunasan niya ang aking pawis na pawis na mukha.

Tumikhim si Alexander, nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Agad naman niyang inalis ang kaniyang tingin sa amin at tumalikod sa pwesto namin. Hanggang ngayon ay nakatayo parin siya sa aming harapan.

Nilingon kong muli si Damien, nakita ko ang ngiti sa kaniyang mukha. Alam ko na namang mayroong siyang binabalak na masama. Sa tuwing nagpapahinga kasi kami ay mayroon siyang sinasabi sa akin na gagawin upang pag-tripan si Alexander.

"Tumakas tayo?" Bulong niya sa akin.

Lumingon si Alexander sa amin. Agad akong nag-peke ng ngiti sa kaniya nang tignan ko siya. Para hindi niya paghinalaan na may balak kami ni Damien.

Tumango ako kay Damien ng lingunin ko siya ulit. Alam niya na agad ang ibigsabihin noon. Humawak siya sa aking kamay nang tumalikod muli si Alexander sa amin.

Tumingin ako kay Alexander ng maramdaman kong nababalot na ako ng mahika ni Damien. Dahan-dahan kaming tumayo at naglakad patungo sa gubat. Ang daang aming tinatahak ay ang daan patungo sa malawak na parte ng gubat kung saan maraming makikita, ang mga Wizters na mababait at ang talon sa gitna ng gubat.

Wizardry Reincarnation (Boyslove Fantasy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon