Chapter 36: First Examination (Final Chapter)

1.7K 133 22
                                    

I do not proofread. This chapter is unedited.

Chapter 36

First Examination (Final Chapter)

Last Day : Sunday

Third Person POV

Nagising ng maaga si Red sa huling araw ng kanilang exam. Nasabi nga sa kaniya na magkakaroon ng one-on-one battle ang mga natirang students matapos ng race kagabi. Pero sa tingin niya'y late na siya dahil wala na masyadong students na nagkalat sa kanilang mansion, hindi niya na rin marinig ang ingay ng mga ito.

Ang taong naghihintay na lamang sa kaniya sa labas ay si Luke. Nakatingin ito sa kaniya, naka-lagay sa shorts niya ang kaniyang dalawang kamay habang nakasandig sa railings ng corridor. His look stayed the same. Walang pinagbago maliban na lamang sa sandatang dala niya sa kaniyang likuran. It was a two swords cross with each other.

"What are you doing?" Kunot ang noo at may bahid ng galit na saad ni Red.

Hindi sumagot si Luke at tinitigan lamang siya. Ilang minutong tinignan ni Red si Luke bago nagpasyang maglakad upang makaalis sa mansiyon ng hindi sumagot ito. Pero agad naman niyang narinig ang yabag nito sa kaniyang likuran.

Mula nang magising siya sa kaniyang pagtulog noong nakalipas na tatlong araw, hindi na nito iniiwan si Red. Palagi siyang nasa kanyang tabi. Naghihiwalay lamang sila kapag hapunan or kumakain sila sa Grand Hall. Pero kahit doon ay hindi niya inaalis ang tingin kay Red. Para bang nakapako iyon at hindi na muli pang maalis.

Nalaman ni Red na inalagaan daw siya ni Luke sa nakalipas na araw. Sa tatlong araw na tulog siya ay hindi siya iniwan ni Luke. Dahil doon ay hindi nito masigawan or ma-away si Luke.

He can't even think of something to pay Luke for what he have done to him while he was asleep. Lalo na't nasugatan niya ito ng magwala siya at mawalan ng kontrol. Dumagdag pa iyon sa kagustuhan niyang bayaran si Luke sa kaniyang naging utang dito.

Hindi nga lang niya malaman kung paano niya ito babayaran. Hindi niya alam kung paano niya ito masusuklian. Kagabi lang ng mapanood niya ito sa tv bago niya naisipang bayaran ito bilang pasasalamat sa pag-alaga nito sa kaniya.

Tumunog ang bell, hudyat na magsisimula na examination. Nagmadaling naglakad si Red patungo sa Grandeur Arena upang makarating agad. Sumunod naman sa kanjya si Luke na hindi nagsasalita at tahimik lamang na pinapanood si Red. Sakto naman ang kaniyang pagdating ay nagsasalita na si Master Zandro Alfagoes.

"The matches," Si Master Zandro Alfagoes.

Red Purpleheart vs Luke Warden
Yami Takahashi vs Edward Infernom
Roe Blaze vs Wotaro Wisteria

Binasa iyon ni Master Zandro Alfagoes sa malaking tv sa kaniyang harapan. Ang sumunod na narinig sa loob ng arena ay hiyawan ng mga students. Lumilikha sila ng ingay bilang suporta sa mga kalahok.

"Our first battle will be Red Purpleheart vs Luke Warden. Please come to our podium." Saad ni Master Zandro Alfagoes bilang pagtawag sa mga kalahok na mauunang maglalaban-laban.

Umakyat ang dalawa. Ilang metro ang layo nila sa isa't-isa. Nagkatinginan si Red at Luke pero agad inalis ni Red ang kaniyang tingin dahil hindi niya makayanang makipagtinginan kay Luke. Sa takot na baka mahigop niyang muli ang memories nito.

Bumaling si Red kay Master Zandro Alfagoes. Hinarap niya ito upang mag tanong dito.

"Master, can we surrender right?" Tanong ni Red.

"Yes. However, you can only surrender if you did fight with each other." Sagot naman nito.

Nanatili ang tingin ni Red kay Master Zandro Alfagoes. Si Luka naman ay hindi inalis ang tingin kay Red. Nagpatuloy sa pagsasalita si Master Zandro Alfagoes.

Wizardry Reincarnation (Boyslove Fantasy)Where stories live. Discover now