Chapter 34: First Examination (Part Four)

1.5K 133 21
                                    

I do not proofread. This chapter is unedited.

Chapter 34

First Examination (Part Four)

Roe Blaze POV

Naglalakad na ako ngayon pabalik sa arena. Hindi pa tapos ang exhibition namin ngayon. May mga students pa ang hindi natatapos kaya doon muna kami. Sa tingin ko nga ay buong araw kaming naroon.

Sa aking likod, nakasunod si Damien sa akin kanina pa at tingin ko'y sinusubukang kausapin ako. Kanina nga sa Grand Hall ay tingin siya ng tingin sa akin. Hindi ko alam kung anong meron.

"I'll sit here," Saad ni Damien ng maupo siya sa aking tabi.

Nagpatuloy lamang ako sa pagkain, ang sarap kasi nitong pagkain nila dito kaya hindi ko mapigilang kumain.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay mayroong pabagsak na naupo sa linya namin. Nang tignan ko iyon ay si Summe ang naupo at kunot na kunot ang noo sa tabi ni Damien. May dala siyang dalawang tray ng pagkain.

Napalingon ako doon. Nagulat pa nga ako dahil nakatingin si Damien sa akin, hindi manlang nilingong ang bagong dating na si Summer.

"Damien, this is your food." Si Summer ang nagsalita at tinulak ang isang tray ng pagkain sa harapan ni Damien. Hindi naman iyon pinansin ni Damien dahil nanatili ang tingin niya sa akin.

Binalik ko ang tingin sa aking pagkain. Tinapos ko iyon na hindi na siya pinapansin. Hanggang nga sa lumabas ako sa Grand Hall ay nakasunod parin siya sa akin. Ni hindi manlang nga niya ginalaw ang pagkain niya.

What's wrong with him now?

Huminto ako sa paglalakad at bigla siyang nilingon. Huminto naman din siya ng humarap ako sa kaniya. Sa kunot na noo ay tinignan ko siya.

"Bakit ka ba sunod nang sunod sa akin?" Tanong ko sa kaniya.

"Why can't I smell your pheromones?" Saad niya. Nakatingin sa akin. His eyes were very deep, hindi ko makitaan ng emosyon iyon lalo na ang kaniyang mukha.

Nakita kong gumalaw ang kaniyang panga. I see, is he mad about something?

"Bakit naman kailangan mo pang maamoy iyon?" Tanong ko sa kaniya, tinaas ang kanang kilay.

"Because I told you so!" Matigas ang boses na sabi niya. Kung ako lang si Roe ay panigurado nangingiti na ako. Pero hindi ako kasing bobo ni Roe sa pag-ibig!

"Tse." Rinig kong sabi niya sa aking isipan. "Hayaan mo nalang siya, Agila. I'll deal with him."

Damien is very manipulative, ayon sa kwento ni Roe sa akin. Ayos lang iyon para kay Roe pero sa akin ay hindi. I'll never handle such a thing.

I'm Roe's clone as of now. He can see what I can see right now. Basically, kung anong na-experience ko bilang si Roe ay nakikita niya ngayon. We can also communicate through telepathy.

Pero hindi ko naman nakikita ang experience ni Roe kaya nakabase lang ang alam ko sa kaniyang mga kwenta sa akin.

"Hindi porket sinabi mo ay susundin ko na. Hindi mo hawak ang buhay ko para makontrol mo." Malditang sabi ko sa kaniya. If this is Roe, he would act calmly in front of him. Pero hindi siya ito ngayon.

Wizardry Reincarnation (Boyslove Fantasy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon