Chapter 27: Rumors

1.6K 126 25
                                    

I do not proofread. This chapter is unedited.

Chapter 27

Rumors

Roe Blaze POV

Hindi na kaming muling nag kausap ni Damien. Tahimik lamang siya sa kaniyang pagkain kahit na kita kong nangungunot parin ang kaniyang noo. Ako naman ay tahimik rin na tinapos ang kinuhang ice cream.

Natapos siya sa pagkain ngunit nanatili lamang siya sa kaniyang kinauupuan at tumingin sa aking mukha. Hindi ko mawari kung nagustuhan ba niya ang pagkain o hindi. Hindi ko na siya tatanungin kung masarap ba ang luto ko o hindi.

Baka sabihin pang hindi masarap, hindi ko talaga alam kung anong magagawa ko sa kaniya!

Ilang minuto siyang nanatiling ganon habang ako naman ay nakatingin parin sa kaniya. Tumayo ako at nagpasyang mag linis na. Kinuha ko ang kaniyang plato kaya naging malapit ako sa kaniya.

Kita ko agad ang tensyon sa kaniya ng lumapit ako. Agad ko namang kinuha ang pinagkainan niya at umalis na para hugasan iyon nang mapansin ang kaniyang pag-iwas.

Nilagay ko sa refrigerator ang ice cream na natira. Natapos na ako sa paglilinis ay nanatili pa rin siyang gaanon. Titig na titig pa rin sa akin at hindi inaalis ang tingin sa akin.

"G-good night..." Saad ko sa kaniya at nagpaalam na pupunta na ako sa aking kwarto. Hindi siya sumagot at nanatili siya sa kaniyang kinauupuan habang nakatingin lamang sa akin.

Hindi ko na hinintay pa ang kaniyang sasabihin at pumanta na ako sa aking kwarto.

I could smell his pheromones in the air. Kitang-kita ko rin ang usok na gawa ng kaniyang pheromones. Nakatingala ako sa kisame ng aking kama. Nanatili akong gaanon hanggang sa abutan na ako ng antok at nakatulog.

Maaga akong nagising kinaumagahan. It was the same morning as the yesterday. Nakakalat parin ang amoy ng pheromones ni Damien sa paligid. I don't know if he's still in the mansion or not. Pero sa tingin ko ay andito pa siya dahil may kalakasan pa ang kaniyang pheromones. And I could smell it somewhere outside.

Tumayo ako sa kama at tumingin sa labas ng bintana. The morning wind is sending the curtain of my window move swiftly. Naaaninag ko na rin ang sinag ng araw na sa tingin ko'y paakyat na. Naglakad ako patungo sa bintana.

Napatingin ako sa baba dahil nakakarinig ako ng tingin ng pagtama ng kung ano. Doon, nakita ko si Damien na walang suot na pang itaas. Kitang-kita ko ang kaniyang hulmang likuran.

Mayroong siyang hawak na apoy na pana. Sa tingin ko ay nag e-ensayo siya sa pag gamit niyon. Gumawa siya ng apoy ng arrow at pinakawalan iyon upang tumama sa isa sa mga puno.

Napapalibot ng puno ang aming mansion ngunit mayroong espasyo sa paligid, sapat upang makapag ensayo si Damien.

Sa tingin ko ay kanina pa siya naroon. Base sa kaniyang mga pawis ay kanina pa siya gising at kanina pa nag e-ensayo.

Kitang-kita ko ang kaniyang likuran. Masyadong maganda ang view na iyon na pwede na akong magkape habang nakatingin sa kaniyang likod pero agad siyang lumingon sa aking pwesto. Dahilan para mapatigil ako sa pag muni-muni.

"G-good morning." Saad ko sa kaniya. Hindi niya ata ito napansin kasi umalis siya sa kaniyang pwesto at pumasok sa mansion.

He's now acting cold. Napangiti ako. Ayos lang sa akin na ako ang susuyo sa kaniya upang humingi ng tawad. I do not want to expect us to become close again just like before. Kahit na gusto kong maging close kami ulit, ayaw kong ipilit.

Wizardry Reincarnation (Boyslove Fantasy)Where stories live. Discover now