Chapter 49: The Revelation IV

1K 66 0
                                    

I do not proofread. This chapter is unedited.

Chapter 49

The Revelation Part 4

Kingdom of Grandeur
5 hours before the conjunction of the moon and sun

"It will take too much power to use these two items." Saad ng leader ng Grand Rebels. "I want you to continuously give me your wizh," Dagdag niya at tinignan si Mashi.

Since Mashi has the ability of healing, he can transfer his own wizh to other person to give them more power. Its been a while since Mashi started to transfer his own wizh to the leader.

Nakaupo silang pareho habang ang leader ay nakatalikod kay Mashi. Si Mashi naman ay nakalagay ang dalawang palad sa likuran ng leader. Pareho silang nakapikit ang mga mata.

Ang leader ay taimtim na hinihigop ang lahat ng wizh na binibigay sa kaniya ni Mashi. Napangiti siya ng maramdaman niyang mapuno ang kaniyang wizh core sa loob ng kaniyang katawan.

Napansin agad ni Mashi ang pagkapuno ng wizh core ng leader ngunit sa hindi malamang dahilan,  hindi tumigil ang katawan ang ng leader sa paghigop sa lakas ni Mashi.

"H-hey," saad ni Mashi na sinusubukang alisin ang kaniyang mga palad ngunit ang kaniyang mahikang dumadaloy ay pinipigilan siya at patuloy parin sa pagpasok sa katawan ng leader.

"Continue..." Saad ng leader.

"My wizh power will run out at this point." Reklamo ni Mashi.

"Continue." Seryosong saad ng leader. Bagama't nakapikit ito ay damang-dama ang authoridad nito sa kaniyang boses.

Walang nagawa si Mashi kundi ang hayaan ito. Ngunit ilang sandali pa ay nadama ni Mashi ang kakaibang nangyayari sa kaniyang katawan. Napansin niyang tumatanda ang kaniyang mga balat at humihina na ang kaniyang katawan.

"W-what..." Hindi na maibuka ni Mashi ang kaniyang bibig dahil sa patuloy na pagdaloy ng kaniyang mahika.

"You will be remembered for this sacrifice. I will write that you are the person who help me defeat our enemy." Nakangising saad ng leader.

Si Maria Bahaghari na pinapanood ang lamang nangyayari ay hindi nakapagsalita. Lalo na ng makita niya ang mukha ng kanilang leader na mayroong nakakalokong ngisi sa labi. Alam niyang humihigop ito at nabubuhay sa wizh ng iba simula pa noong una ngunit ito ang unang beses na nakita niya ang mukha nito.

'He's a psychopath!' Saad ni Maria Bahaghari sa kaniyang isipan.

Nang bumalik si Rage galing sa labas ay ang nakita niya lamang ay ang katawan ni Mashi na unti-unting nagiging abo at ang leader na tuwang-tuwa habang tinitignan ang katawan nito. Napansin niyang nag-iba ang itsura nito at mas lalong lumakas ang awra nito. Tinignan niya si Maria Bahaghari na lumulunok at natatakot sa gilid kaya nag pasya siyang tumahimik na lamang at hindi na nagtanong.

"The fight between Grand Ten Adong Ahas and the Wizard King just ended. Unfortunately, Adong Ahas was defeated." Saad ni Rage sa leader.

"That stupid big animal. He couldn't even make the fight longer!" Saad ng leader at inayos ang kasuotan nito. "How about the people outside?"

"I have cleaned up the knights inside the mansion. While the other knights and wizards are coming back to the mansion." Saad ni Rage.

"That's good. We'll go out now." Saad ng leader at naglakad palabas sa kwarto.

Sumunod naman sina Maria Bahaghari, Rage, at ng walang malay na si Red na naglalakad na ngayon sa kaniyang sariling mga paa. Nagtungo sila sa gitna ng mansion, kung saan nakatayo ang malaking bulto ng Wizard King.

Wizardry Reincarnation (Boyslove Fantasy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon